Jasmine hindi pinaniwalaan nang isugod sa hospital
PIK: Tuwang-tuwa si Glaiza de Castro dahil nanalo na rin ang team InsÂtagang sa Sunday All Stars nung nakaraang Linggo.
Kahit hindi ganun ka-cooperative ang mga kamiyembro nito, nabuo ni Glaiza nang maayos ang kanilang production number kaya wagi sila bilang Best Team.
Si Rachelle Ann Go ng Tropang Trending pa rin ang nanalong best performer dahil magaling naman talaga siya.
Wala si Mark Herras nung Linggo dahil nagkaroon ito ng injury sa binti kaya hindi siya makapagsayaw ng maayos.
PAK: Present si Jasmine Curtis Smith sa Franchise Asia 2013 Expo na ginanap sa SMX Convention Center nung nakaraang Sabado sa Pasay City na isa roon sa nagkaroon ng booth ay ang Flawless na ini-endorse nito.
Doon na rin nilinaw ni Jasmine ang matagal nang isyung kinasangkutan na naging cause of delay daw ito sa taping ng Jeepney Jackpot nang dumating itong lasing na lasing.
Itinanggi ni Jasmine ang ibinibintang sa kanyang lasing na lasing siyang dumating sa set.
Paliwanag ng young actress, nagkaroon siya ng gastritis nung gabi bago ang taping at galing pa siya sa isang prom na wala naman daw alcohol na nai-serve dun.
Dinala pa siya ng hospital bago siya tumuloy ng taping dahil sobrang sakit na ang tiyan niya. Pero iba na ang tingin sa kanya ng mga taong nandun sa set na ikinalungkot niya dahil na-misinterpret na lasing siya.
“I would never ever drink before a job that I know I committed myself to. As professional as I can be when I commit myself to work.
“However that issue came about I am just sorry for people. I tried to explain over Twitter that I didn’t mean to cause that delay during taping,†pahayag ni Jasmine.
BOOM: Dumating si Ogie Alcasid sa taping ng Bubble Gang nung kamakalawa ng gabi para porÂmal na sanang magpaalam sa mga kasamahan niya sa naturang gag show.
Pero hindi na in-announce dahil may movie press na nandun kaya tahimik na lang sila. Naghanda ng espesyal na pa-dinner sa pagpapaalam ni Ogie pero hindi na lang nai-announce doon dahil maririnig ng press.
Pero ang pagkakaalam namin, maayos nang nagÂpaalam si Ogie sa mga taga-GMA 7 at isa sa mga araw na ito ay maglalabas na ng statement ang Kapuso Network sa pag-release nila sa singer/songwriter.
- Latest