^

PSN Showbiz

Good Vibes ikakalat sa divisoria

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mga taga-Divisoria sa Maynila ang susunod na pagkakalooban ng hiling ni Doris Bigornia sa current affairs program na Mutya ng Masa ngayon, Hulyo 23, sa ABS-CBN.

Kilalanin ang 12 anyos na si John Paul, isang mangangalakal na namumulot at nagbebenta ng plastic bottles araw-araw pagkagaling sa klase para makapagbigay ng pambaon sa kanilang magkakapatid. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, ano nga ba ang tanging makapagpapasaya kay John Paul?

Makikiumpok din si Doris sa kargador boys at bitbit kids ng Divisoria na ang tanging hiling lamang ay makapanood nang live sa It’s Showtime.

Tampok din ang iba pang kuwento ng masisipag na trabahador sa sikat na pamilihan kabilang na si Tatay Sammy, ang tinaguriang Divisoria Concert King dahil lagi siyang may nakahandang song number na kanyang pang-engganyo para mas makabenta.

Huwag palampasin ang Mutya ng Masa ngayong ng 4:15 p.m. sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MutyaNgMasa.

 

DIVISORIA

DIVISORIA CONCERT KING

DORIS BIGORNIA

HULYO

HUWAG

JOHN PAUL

KILALANIN

MAKIKIUMPOK

MUTYA

TATAY SAMMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with