^

PSN Showbiz

Buhay ang gabi campaign ng GMA simula na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes, ika-22 ng Hulyo, ilulunsad ng GMA News and Public Affairs, ang flagship public affairs strip nito na tatawaging Night Shift.

Ang Night Shift block ay binubuo ng mga prem­yadong public affairs program na I-Witness, Reporter’s Notebook, Born To Be Wild, at Alisto. Taglay nito ang tagline na Buhay ang Gabi na magbibigay buhay at maghahatid ng dekalidad na programa sa mga manonood hanggang sa dulo ng bawat araw.

Bubungad sa Night Shift ngayong linggo ang dokumentaryong Langis sa Tubig ni Kara David na mapapanood ngayong Lunes sa I-Witness. Tampok sa pinakamatagal na public affairs program na ito ang mga premyadong broadcast journalist na sina Howie Severino, Jay Taruc, at Sandra Aguinaldo.

Susunod ang Reporter’s Notebook tuwing Martes ng gabi, dala ang mga matatapang na investigative report na umuusig sa mga pulitiko at kinatawan ng gobyerno na managot sa mga natatanging isyu. Ngayong Martes, ilalantad ng mga host na sina Maki Pulido at Jiggy Manicad ang illegal black sand mining sa Cagayan at illegal logging sa mga kagubatan ng Sierra Madre.

Tuwing Miyerkules, ipapakita naman ng Born to Be Wild, ang pinakaunang environmental documentary program sa bansa, ang taglay na ganda ng kalikasan. Ngayong Miyerkules, panoorin ang mga hindi pangkaraniwang video footage ng dalawang sikat na hayop sa Pilipinas – ang Philippine Tamaraw at ang pating – na nakuhanan gamit ang pinaka-bagong teknolohiya.

Sa pangunguna ng GMA News Pillar na si Arnold Clavio, ang Alisto ang nagtatapos ng Night Shift block ng Kapuso Network tuwing Huwebes. Ipinapakita sa programang ito ang ilan sa mga krimen, aksidente at documented hazard na nakuhanan gamit ang CCTV camera, cellphone camera at iba pang video recorder upang pag-talasin ang pag-iingat ng publiko. Ngayong Huwebes, ipapakita ng Alisto ang ilang aktwal na video ng mga batang minamaltrato ng kanilang mga tagapag-alaga, mga citizen-initiated video ng mga nagliliyab na kotse na pinadala sa Youscoop, at CCTV footage ng iba’t ibang krimen.

Simula ngayong linggo, ilulunsad din ng programa ang Alisto Ako! campaign na naglalayong ipaalam ang mga delikadong banta sa publiko sa pamamagitan ng mga mini-segment sa loob ng programa, mga event sa iba’t ibang lugar, at mga campaign poster at sticker.

Magsisimula na ang Night Shift ngayong Lunes, ika-22 ng Hulyo, pagkatapos ng Saksi.

vuukle comment

ALISTO

ALISTO AKO

ANG NIGHT SHIFT

ARNOLD CLAVIO

BE WILD

BORN TO BE WILD

NGAYONG

NIGHT SHIFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with