Wildcard round ng Talentadong Pinoy painit nang painit ang labanan
MANILA, Philippines - Patindi nang patindi ang labanan ng Talentadong Pinoy Worldwide habang papalapit ito sa engrandeng Battle of the Champions. Isa ang Battle of the Champions sa pinakaabangang event sa telebisyon dahil sa bonggang production numbers nito. At siyempre, marami ang tumututok sa world-class talents ng Talentadong Pinoy.
Noong nakaraang Linggo, ang dance group na Nocturnal ang tinanghal na unang wildcard winner. Sa pagpapatuloy ng wildcard rounds ngayong linggo, ilang performers ang muling magpapakitang gilas para makuha ang huling wildcard spot.
Sa July 28 naman mapapanood ang makaÂsaysaÂyang finals ng kauna-unahang international version ng Talentadoong Pinoy—ang Talentadong Pinoy MidÂdle East. Daan-daang mga kapatid natin mula sa gitnang silangan ang dumagÂsa sa mga auditions na ginanap sa Abu Dhabi, Doha, Riyadh, Jeddah, at Dubai.
Ang host na si Ryan Agoncillio at mga celeÂbriÂty talent scouts na sina Gelli de Belen, Marvin Agustin at Arnel Ignacio ay lumipad pa patuÂngong Dubai para sa Talentadong Pinoy Middle East. Ang tatanghaling winner nito ang huling finalist para sa Battle of the Champions. Gaganapin ang finals night sa Aug. 18 sa Cuneta Astrodome.
Huwag palampasin ang kapana-panabik na episodes ng Talentadong Pinoy Worldwide, tuwing Linggo, 7:30 p.m., sa TV5.
- Latest