^

PSN Showbiz

Lola Prosti kakalkalin ang buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang masaklap na katotohanan sa ating lipunan ang pagkakaroon ng mga tinatawag nating G.R.O., Prosti, at Call Girl—mga kababayan natin na naging kabuhayan na ang pagbebenta ng laman.

Hindi na iba sa atin ang mga menor de edad na minsan ay mismong mga magulang pa ang sa kanila’y nagtutulak sa ganitong gawain. Ngunit ang mas masaklap, mayroon din palang nagse-“serbis” na ang edad ay sisenta pataas na. Mga “Lola Prosti” kung sila ay tawagin, mga babaeng nangangalakal para buhayin ang kanilang mga anak... at mga apo.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, sundan ang tunay na kuwento ng isa sa mga “Lola Prosti” para alamin kung paano sila napasok sa mundong ito—at kung paano sila nakakaalis sa ganitong buhay.

Tampok ang kuwento ni Baby Tsina, isang kilalang babaeng bayaran sa Avenida. Sundan ang kaniyang mga paghihirap at pighati sa buhay, kung paano niya itinaguyod ang pamilya, at kung paano niya naiahon ang sarili mula sa pagkakasudlok sa maruming mundo ng pagiging Lola Prosti.

Alamin ang kanyang kuwento, sa natatanging pagganap ni Ms. Tessie Tomas, sa panulat ni Senedy H. Que base sa pananaliksik ni Jonathan Cruz, at sa ilalim ng masugid na direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Magpakailanman presents Baby Tsina: Ang Lola Prosti, ngayong Sabado pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.

ANG LOLA PROSTI

BABY TSINA

CALL GIRL

DADDY KO

JONATHAN CRUZ

LOLA PROSTI

MAGPAKAILANMAN

MARYO J

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with