^

PSN Showbiz

May nadidiskubreng bago araw-araw: John Lloyd at Angelica parang mag-asawa na ang turingan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz sa Thailand kamakailan. Nakasama raw ng dalawa ang mga taong pinakamalapit sa kanilang puso. “Masa­yang-masaya kami. Masaya kasi kasama rin ‘yung mga taong close sa amin. Sabi niya (Angelica) nga, ‘Kasama natin ‘yung mga tao na naging instrumental and significant sa isang taon natin.’ So napakasaya, punung-puno ng kabusugan,” natatawang kuwento ni John Lloyd.

Napili raw nilang pumunta sa Bangkok dahil sa masarap na mga pagkain doon. “Hindi naman siya ganoon ka-significant sa relationship namin. Pareho naming gusto ang Bangkok, pareho kaming mahilig sa Thai food. Kasi when we travel, talagang part ng itinerary ang pagkain,” pagtatapat ng aktor. Aminado si Angelica na mas naging mature siya nang makarelasyon niya si John Lloyd.

Ano kaya ang reaksiyon ng aktor tungkol dito? “Akala lang niya ‘yun. At the very least siguro nagiging instrument lang ako. Because puwedeng magkaroon ng effect sa ‘yo ang isang tao pero kung hindi ka magde-decide sa isang bagay especially kung personality or ugali mo ‘yung pinag-uusapan, hindi mababago ‘yun,” paliwanag ni John Lloyd.

Wala na raw mahihiling pa ang binata sa kanilang relasyon ni Angelica ngayong nakaisang taon na sila. “Lahat ng mga pagsasama, lahat ng mga pinagdaanan namin talagang naging stronger kami as a team, mas kilala namin ang isa’t isa ngayon and mas nag-e-enjoy kami and mas may freedom, mas may tiwala. Every day parang is a new discovery. Parang marriage ano? Hala,” pabirong pahayag ng aktor. “Lahat maganda eh. I wouldn’t say that it’s perfect pero lahat maganda and masaya kami,” dagdag pa niya.

Jolo, hindi maipaliwanag ang nararamdaman kay Jodi

Masayang-masaya raw si Jolo Revilla sa relasyon nila ni Jodi Sta. Maria. Halos hindi raw maipaliwanag ng binata ang kanyang nararamdaman sa aktres. “Lahat naman ng tao may karapatan na ma-in love at magmahal at magparamdam ng pagmamahal. Ang buhay naman naming mga artista ay open book. Wala tayo maitatago. Sa ngayon masaya kami kung ano mang mayroon kami. Sa totoo lang, ‘di ko ma-express sa pananalita lang, masasabi ko na masayang-masaya ako,” nakangiting bungad ni Jolo.

Nagpapasalamat din ang Bise Gobernador dahil sa suportang ibinibigay sa kanya ni Jodi lalo na noong panahon ng kampanya. Suportado rin ni Jolo ang bagong bukas na food business ni Jodi.  â€œSiyempre nagpapasalamat ako sa walang sawang pagsuporta niya sa akin sa lahat ng bagay. Sinusuportahan niya ako, sa totoo lang, alam naman natin na hindi habang buhay nandiyan ang showbiz. Actually, matagal na niyang pinaghahandaan ‘yan (negosyo ni Jodi). Nagtatanong-tanong siya, pero hindi naman ako naka-influence sa kanya. Sarili nilang diskarte ‘yan ng business partners niya,” pahayag ni Jolo.

Samantala, hindi raw pinakikialaman ni Jolo ang ongoing annulment case ni Jodi. Reports from JAMES C. CANTOS

 

                                                                 

 

ANGELICA PANGANIBAN

BISE GOBERNADOR

JODI

JODI STA

JOHN LLOYD

JOLO

LAHAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with