Mga paring padre de pamilya rin, gigisain ni Tunying
MANILA, Philippines - Klaro at deretsahang sagot ang pipigain ni Anthony “Tunying†Taberna mula sa mga kontrobersiyal na personalidad tungkol sa mga isyung kinasasangkutan nila sa programang Tapatan ni TunÂying (TNT) na aarangkada na ngayong Huwebes (Hulyo 18) ng hapon sa ABS-CBN.
Kilala sa humahagupit at nakalilibang niyang mga komentaryo at istilo sa pamamahayag, puso sa pusong gigisain ni Tunying ang mga kontrobersiyal na panauhin ng programa upang direktang masagot ang mga tanong sa kanila ng sambayanan na kadalasan ay kanilang iniiwasan.
Bwena manong sasalang sa hot seat ni Tunying sina Father Jess Siva, Fr. Hector Canto, at Fr. Elmer Cajilig na pawang naging kontrobersiyal dahil sa pagsalungat nila sa patakaran ng simbahang Katolikong nagbabawal sa pag-aasawa o pakikiÂpagÂrelasyon ng mga pari at madre.
Bagamat hindi kasal, parehong may mga anak sina Fr. Siva at Fr. Cajilig, habang napangasawa naman ni Fr. Canto si Cynthia na isang empleyado sa municipal hall ng Dumangas, Iloilo. Sa katunayan, si Fr. Siva pa ang nagkasal sa kanila noong taong 1998.
Giit ng tatlong pari, wala umanong basehan sa Bibliya ang patakarang ito bagkus gawa lamang ng tao at hindi ng Diyos ang naturang batas. Kaya naman isinusulong ng tatlong pari ang “optional celibacy†o kalayaan ng isang pari o madre na makapag-asawa kung nanaisin nila.
Bukod sa matapang na pagbusisi ni Tunying sa paniniwala at adbokasiya nila ay mauusisa rin ang buhay pag-big ng mga pari.
Ano ang reaksyon ng simbahang Katoliko sa isyung ito? Gaano kalakas ang tyansang maaprubahan ang kanilang pinagÂlalaban?
- Latest