^

PSN Showbiz

Sarah lumabo nang maging sikat

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napaka-suwerte naman ni Sarah Lahbati sa nob­yong si Richard Gutierrez na kaya siyang ipagtanggol kahit maging kapalit pa nito ang kanyang career. Sinundo pa ni Richard ang nobya sa Switzerland pa­balik ng Pilipinas para harapin ang kasong isinampa sa aktres ng GMA Films president na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Siguradong naka-suporta kay Sarah si Chard sa mga problemang kinakaharap nito ngayon. Walang mag-aakala na sa demandahan mauuwi ang pagi­ging build-up star ng GMA 7 kay Sarah.

Sa ngayon, wala pang kongkretong plano si Ri­­chard kundi ang kanyang planong pag-aaral ng film­making. Ano naman kaya ang naghihintay kay Sarah habang may kaso siyang kakaharapin? Hindi naman siya puwedeng lumipat ng ibang TV network dahil may existing contract pa siya sa GMA.

Marami ang nanghiyang kay Sarah na inaasahan pa namang magiging major star balang araw pero malabo na itong mangyari pa.

Raymart dinadaan na lang sa trabaho ang mga problema

Tama ang ginagawang pananahimik lamang ng aktor na si Raymart Santiago na may kinalaman sa hiwalayan nila ng asawang si Claudine Barre­tto. Hindi nga naman maganda sa isang lalaki kung magsasalita ito laban sa babaeng kanyang minahal, pinakasalan at ina pa ng kanyang dalawang anak. Sa halip na patulan ang mga patutsada sa kanya ng da­ting misis, idinadaan na lamang ito ni Raymart sa trabaho at pananahimik.

PadEr ni BB kay Robin, natibag na

Aunt ang tawag ngayon kay BB Gandanghari ng bunsong anak ni Robin Padilla na si Ali at si Robin mismo ang nagsabi sa anak na Aunt BB na ang itawag sa kanyang dating Tito Rustom.

Aminado si BB na parang “bell to his ears” ang ma­rinig niya ang nagtampong kapatid na si Robin na sinabihan ang anak na tawagin siyang Aunt BB at lihim siyang nangiti. Hindi man siya proud sa kanyang pagkakasakit at pagkaka-confine sa pagamutan recent­ly, naging daan naman ito sa muli nilang pagkakasundong muli ng kanyang nakababatang kapatid na si Robin na matagal ding hindi siya matanggap bilang “bagong tao”.

“Wala na ang wall sa aming pagitan at ang sarap ngayon ng pakiramdam ko,” pag-amin ni BB over lunch with colleague and Startalk host Ricky Lo sa Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig City last Thursday.

Lorna gustung-gusto na magpaka-martir

Hindi issue kay Lorna Tolentino kung hindi man siya ang first choice para gumanap sa papel na Edita Burgos sa pelikulang Burgos na kalahok sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival. Ang mahalaga ay siya ang final choice. Gustung-gusto ni LT ang kanyang pagiging martir na ina ng nawalang aktibistang anak na si Jonas Burgos.

Ayon sa misis ng yumaong action superstar na si Rudy Fernandez, bibihira ang ganitong papel du­mating sa isang artista kaya hindi siya nagdala­wang-isip ng ialok sa kanya ang proyekto. Mara­ming beses na ring gumanap si LT sa mga true-to-life cha­racter na kakaiba ang challenge sa kanya.

Ang Burgos ay nakatakdang ipalabas sa Agosto 3 bilang closing film ng Cinemalaya.

ANG BURGOS

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BONIFACIO GLOBAL CITY

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CLAUDINE BARRE

EDITA BURGOS

KANYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with