Ogie hindi pa rin napiga sa paglipat ng network
Ang presscon kahapon ng coming soon concert ni Ogie Alcasid ang unang presscon na dinaluhan ko mula nang bumalik ako sa Paris, France.
Sa rami ng mga bisita ni Ogie sa I Write the Songs, parang mortal sin na palampasin ang anniversary concert niya sa Aug. 16.
Mga big star, singer at actor, ang mga special guest ni Ogie na makiki-join sa kanyang anniversary celebration. Twenty-eight ang confirmed guests at hindi pa kasali rito ang mga bisita na secret pa dahil hindi pa ready si Ogie na i-reveal ang kanilang mga pangalan.
Siyempre, kasama sa mga performer si Regine Velasquez na hindi puwedeng mawala sa listahan bilang siya ang pinakamamahal na asawa ni Ogie.
Ayaw rin sabihin ni Ogie ang magiging participation ng kanyang dyowa pero sure raw na malaki ang bahagi ni Regine sa I Write the Songs.
Smile lang nang smile si Ogie kapag kinukulit siya ng mga reporter tungkol sa tsismis na mag-oober da bakod siya sa TV5.
Two weeks nang hindi napapanood si Ogie sa Sunday show ng GMA 7 at malapit nang maubos ang mga eksena niya sa Bubble Gang. Ang say ni Ogie, paano siya magtatrabaho kung expired na ang kontrata niya sa GMA 7? Oo nga naman.
Waiting ang fans ni Ogie sa kanyang announcement tungkol sa mga mangyayari sa kanyang career. Mapapanood na ba siya sa mga programa ng TV5 o mananatili si Ogie sa aming beloved network?
Manny Pangilinan may time sumagot sa text
Hindi ko nakaligtaan na batiin si Papa Manny Pangilinan ng happy birthday noong Linggo. Pinadalhan ko siya ng birthday message sa pamamagitan ng text messaging at sumagot naman siya.
Nakakatuwa si Papa Manny dahil may time siya na sumagot sa mga text sa kanya. Daig na daig niya ang mga artista na hindi marunong sumagot sa mga text at magaling lang kapag may mga kailangan. Hindi nila gayahin si Papa Manny na very down to earth at accommodating.
Angelika tinarayan ang mga nangbastos na lalaki
Pinatulan ni Angelika dela Cruz ang mga mhin na nag-comment sa isang picture niya sa Instagram.
Na-offend si Angelika sa mga comment ng mga mhin na hindi gentlemen. Hindi ko na sasabihin ang salita na ikina-offend ni Angelika at nagpakita sa tunay na kulay ng mga lalaki na tinarayan niya. Teka, mga tunay na lalaki nga ba sila?
Sen. Nancy inaabangang rumampa sa SONA
Papanoorin ko ang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes dahil aabangan ko ang pagrampa sa red carpet ni Sen. Nancy Binay at ng ibang mga senador na bagong halal. I’m sure inaabangan ng detractors ni Mama Nancy ang kanyang kasuotan dahil maghahanap na naman sila ng kapintasan niya. Sorry na lang dahil dedma si Mama Nancy sa mga batikos dahil nakatuon ang atensyon niya sa paglilingkod sa bayan.
Tinututukan ng buong bayan ang SONA dahil sa mga fashion statement ng mga pulitiko at ng kanilang mga dyowa. Isang taon na pala ang nakalilipas mula nang rumampa sa SONA si Daiana Menezes at ang kanyang mister, si former Congressman Benjo Benaldo. Marami na ang nangyari mula noon dahil hindi na kongresista si Papa Benjo at may-I-deny nito na nag-attempt siya na mag-suicide.
- Latest