^

PSN Showbiz

Rufa Mae kinarir na ang akting

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa post production na ang relaunching dramedy movie ni Rufa Mae Quinto na Ang Huling Henya. At may playdate na ito sa August 21 kaya excited na ang sexy actress.

Nangako si Rufa Mae na kakaiba ang pelikula dahil hindi na lang siya basta magpapatawa rito. Ibang level daw ng acting ang kanyang ginawa sa Huling Henya as in kinarir na niya.

Matagal-tagal na ring namahinga sa pelikula si Rufa Mae pero susulitin naman daw niya rito.

Kasama niya sina Candy Pangilinan, Ayen Laurel, DJ Durano, Ricci Chan, Edgar Alan Guzman, Jovic Munsod and Robert Seña.

Role ng best agent of an international group organized para protektahan ang scientists and investors from a tech-grabbing na tinawag na The Agency.

Gusto na rin daw kasing patunayan ni Rufa Mae na may ibubuga rin siya sa akting at hindi ‘yung puro pagpapatawang corny at kaseksihan ang puwede niyang gawin.

TV host bina-blind item ang mga kaibigan

Dapat palang mag-ingat ang mga kaibigan ng isang socialite na TV host na ngayon dahil may chance na itsismis daw sila nito sa mga kaibigan niyang TV host din.

Banggit ng isang nagkuwento, ito raw ang source ng mga blind item ng isang beking TV host. Madalas daw itong magkuwento ng mga nangyayari sa pinupuntahan niyang sosyalan o kaya ay naririnig niya sa kanyang circle.

Kaya ang warning ng source, dapat daw ingat-ingat ang mga kaibigan ni socialite dahil hindi malayong maitsismis din sila nito.

Enrique Gil, tinanghal na ‘SEXIEST MAN’ sa ‘Pinas

Tinanghal ang Muling Buksan Ang Puso lead actor na si Enrique Gil bilang Sexiest Man in the Philippines for 2013 sa online poll ng isang entertainment website na nilahukan ng libu-libong fans sa Twitter at Facebook.

Nagkamit si Enrique ng kabuuang 39, 746 votes, na sinundan ng kapwa Kapamilya actor na si Xian Lim na nakakuha ng 22,091 votes.

Naghari ang ABS-CBN sa resulta ng online poll ngayong taon dahil siyam na puwesto ang sinakop nito sa top 10 list. Pasok sa listahan sina Matteo Guidicelli sa no. 3, Coco Martin sa no. 4, Slater Young sa no. 6, na sinundan nina Sam Milby, Gerald Anderson, Paulo Avelino at Richard Yap.

Kabilang sa Kapamilya actors na nagwagi sa taunang online poll sina Sam noong 2007, Piolo Pascual noong 2008, Enchong Dee noong 2011, at Coco noong 2010 at 2012. 

 

 

 

vuukle comment

ANG HULING HENYA

AYEN LAUREL

CANDY PANGILINAN

COCO MARTIN

EDGAR ALAN GUZMAN

ENCHONG DEE

ENRIQUE GIL

GERALD ANDERSON

HULING HENYA

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with