Sheena nagti-training na rin na maging nanay sa totoong buhay
Mga early 30s ni Sheena Halili, she’s 26 years old now, niya binabalak lumagay sa tahimik. Hoping siya na by that time ay nahanap na niya si Mr. Right. Grateful nga siya na nakuha niya ang role ng nanay ng isang six year old boy na siyang gumaganap ng title role na Binoy Henyo ng GMA na magsisimula sa July 22, bago ang 24 Oras.
“Magsisilbing training ko na rin ito once na maÂging nanay ako in the future. Marami na rin akong naÂtutunan from my own mom at maia-apply ko ito sa Binoy Henyo,†pagmamalaki ni Sheena na marami ang nagsasabing biggest role niya so far, pero sinabi niyang, “I think biggest break ko rin ‘yung Indio. It was such a good role, marami ang nagsabi na I was good in the project. I must admit I put my soul in my character and I believe na sa characters namin ni kuya Bong (Revilla) umikot ang istorya,†sabi niya.
Isang six year old boy at bagong discovery ng GMA ang gumaganap ng Binoy Henyo. Talagang gusto nitong mag-artista kaya nag-audition for the role. David Remo ang pangalan niya, the eldest of two children ng isa ring konektado sa showbiz na si Don Remo. May three months old sister si David at nag-aaral sa La Salle Greenhills. May kalikutan ito dahil kailangan mong sundan para makausap. Nalibot yata namin ang buong restaurant na kung saan ginanap ang presscon ng BH. Wala itong ginawa kundi ang tumakbo nang tumakbo. Pero sabi naman ni Nova Villa, once nagsimula na ang trabaho ay behave na ito. Nakabantay din lagi ang ama na sinasabing kinatatakutan daw ng bata.
Isa naman sa mga bata na gaganap bilang best friend ni David ay si Angel Satsumi, napapanood din bilang anak nina Michael V at Manilyn Reynes sa Pepito Manaloto. Anak ng parehong Hapones si Angel. Pumunta lang sila ng Pilipinas dahil gusto nitong mag-artista rito. Bago siya sumabak sa kanyang pag-aartista ay pinaturuan muna ito ng kanyang mga magulang ng Tagalog. Ngayon ay parang sa lengwahe ng mga Pinoy siya lumaki sa sobrang tatas niya sa pagsasalita nito.
- Latest