Mutya ng Masa bagong katuwang sa buhay ng masang Pilipino
MANILA, Philippines - Serbisyo publikong ikasasaya ng masang Pilipino ang hatid ng batikang mamamahayag na si Doris Bigornia sa pinakabagong magazine program na Mutya ng Masa, simula ngayong Martes (Hulyo 16), sa panghapong Current Affairs block ng ABS-CBN.
Ibibida sa programa ang simpleng Pinoy at ang kani-kanilang interes, suliranin, matitinding pangaÂngaÂilangan, at simpleng kaligayahan, at si Doris bilang ang kanilang bagong katuwang sa buhay, kabarkada, at maging katsismisan.
Bawat linggo, tutungo si Doris sa isang komunidad at doo’y kikilalanin ang mga tao o pamilyang bibigyan niya ng tulong o natatanging bagay na maÂkaÂpagpapaligaya sa kanila na tiyak na magbibigay sa kanila ng pangmatagalang ginhawa.
Para sa unang episode ng programa, tutungo si Doris sa iba’t ibang kalye ng Sta. Mesa, Manila, kabilang na ang sikat na lugawan ni Tita Bebang at sa Polytechnic University of the Philippines.
Makikilala niya rito si Princess, isang estudyante ng PUP na nahihirapang pagkasyahin ang P100 baon niya kada-araw para sa pamasahe, pagkain, at projects; at ang 16 taong gulang na si Jason, isang trolley boy na maghapong initutulak ang sasakyang pang-riles kapalit ng halos P300 kada araw para sa pamilya.
Ano kaya ang mga simpleng bagay na makakapagpasaya para sa kanila o sa kanilang mga mahal sa buhay? Paano ipipinta ng Mutya ng Masa na si Doris ang ngiti sa kanilang mga labi?
Huwag palampasin ang Mutya ng Masa kasama si Doris Bigornia ngayong Martes, 4:15 p.m., sa ABS-CBN.
- Latest