Martin kinukumpetensiya ni Richard Yap sa pagiging concert king
Nabibilang na ba ang araw ni Martin Nievera bilang Concert King? Pinatunayan ni Richard “Ser Chief†Yap sa kanyang kauna-unahang paglabas sa isang fund-raising concert ng Philippine Movie Press Club (PMPC) that he has the makings of a Concert King. Hindi lang maganda ang kanyang boses, sabi nga ng SRO audience na nanood ng kanyang Music and Hearts Concert nung Sabado ng gabi sa Zirkoh Morato, Quezon City, mas buo pa ang boses niya ngayon, mas confident na siyang kumanta, at malakas siyang humatak ng manonood. Akalain mong mapuno niya ang loob at labas ng Zirkoh Morato!
Mga 400-500 ang taong mailalaman sa venue pero ni hindi ka makakapunta ng comfort room (CR) dahil sa dami ng mga bumili ng tiket kahit wala ng mauupuan. Alas-diyes ng gabi pa ang oras ng palabas pero as early as 5:00 p.m. ay may dalawa ng mahahabang pila sa labas ng Zirkoh na may hawak-hawak ng mga tiket at naghihintay na lamang na papasukin sila. Noon ko lamang napatunayan na malaking artista na si Ser Chief dahil marami siyang mga fans na karamihan ay babae, malulusog, yes, may isa ngang natapilok sa pilahan at gumulung-gulong pa. Tinulungan naman siya agad ng mga kasamahan niya kaya hindi siya gaanong nasaktan.
Yuppies ang fans at supporters ni Ser Chief, may kakayahang bumili ng tiket at ihatid sa venue ng mga mamahaling sasakyan. May isa pa na sakay ng isang puting limousine. Marami ang nagtaka kung bakit maraming mga expensive car ang nakaparada sa harap ng Zirkoh Morato. Sa marquee lamang nila nalaman kung bakit — concert ni Richard at siya ang humahatak ng naparaming tao sa lugar at naging dahilan para magka-traffic sa Morato ng gabing ’yun.
By 7:00 p.m. ay ayaw nang magbenta ng mga taga-PMPC ng tiket. Wala na kasing mapaglalagyan ng tao. Naghakot na nga ng mga silya sa kung saan-saan para maupuan ng mga ayaw papigil sa pagpasok. Pati hagdan na papuntang second floor ay puno ng mga manonood na nakatayo. Wala ng madaanan ang mga waiter na naghahatid ng mga order ng food and drinks.
Eksaktong 11:00 p.m. dumating si Richard. Naka-pink na long sleeves ito. Kung ibang lalaki ang gumamit ng ganitong kulay na shirt ay paghihinalaan pang beki pero wala ni isa man ang nag-isip ng ganito sa napakasikat na ngayong TV star.
Nang lumabas siya on stage, hindi na napigil ang fans niya na ilabas ang kanilang mga iPad and camera. Marunong namang pumosisyon ang mga tagahanga niya para hindi masira ang view ng mga nasa likuran. Marami ang lumugar sa gilid ng stage. Ako, nakuntento sa lugar ko sa may entrance, sira nga lang lahat ng kuha ko.
Apat ang kinanta ni Richard — Sorry, Pwede Ba, When You Say Nothing At All, The Way You Look Tonight, at Smiling Face. Habang kumaÂkanta siya ay lumilibot siya ng stage para kamayan ang maraming nag-aabot ng kamay nila sa kanya. Ang daming nag-abot sa kanya ng mga regalo which he filed on stage.
Na-disappoint ’yung maraming nag-aabang sa kanya sa labas ng dressing room. Marami ang hindi nakapasok sa loob dahil nga wala ng mapaglagyan sa kanila. They were hoping na makita man lamang siya, makamayan at makunan ng litrato. Pero agad na siyang itinakbo sa kanyang sasakyan sa gitna ng pagkakadismaya ng mga matagal naghintay. Pero ang nakakatuwa sa kanila ay mahawakan lang ni Richard ang kamay o balikat nila ay okay na sila. Pero ’yung iba, talagang halos maiyak-iyak. I just hope na hindi sana ganun ang sitwasyon sa mga pinupuntahan ni Richard. Na sana kahit saglit ay magbigay siya ng panahon para makapagpalitrato man lamang sa fans niya. Dito dapat pumasok ang mga security para lang matiyak na hindi ito madudumog pero sana huwag na huwag nilang gawin ’yung itakas siya sa kanyang fans.
Salamat nga pala sa mga nagpaunlak sa fund-raising concert ng PMPC, kina Janella Salvador, Arjo Atayde, Michael Pangilinan, Marion Aunor, Mikoy Morales, Betty La Fea, Sexbomb, at marami pang iba.
Raymart tuloy ang pananahimik
Kung panay ang pagsasalita ni Claudine Barretto tungkol sa paghihiwalay nila ni Raymart Santiago at ang hindi nito pagsipot sa ginanap na birthday party para sa anak nilang si Sabina ay ganun naman ang pag-iwas ng aktor na sagutin o pag-usapan ang isyu sa pagitan nilang mag-asawa. Kahit anong pilit ng media ay tikom ang bibig ng aktor na siyang umalis ng kanilang bahay at nakipaghiwalay sa aktres.
Bagama’t walang makuhang istorya mula kay Raymart ang media, hindi naman nila siya makondena sa ginagawa niyang pananahimik. Sa halip ay marami ang pumupuri sa kanya sa pagiging maginoo at all times.
- Latest