Joey de Leon buong linggo kumikita
Ang sipag, sipag ni Joey de Leon dahil mula Lunes hanggang Linggo ay napapanood siya sa TV. Imbes na magpahinga siya kahapon, umapir si Papa Joey bilang judge ng Sunday All Stars.
Sila ni Kuh Ledesma ang special guest judges dahil missing in action ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Haharap si Ogie sa entertainment press sa lalong madaling panahon kaya malalaman na natin ang dahilan ng disappearing act niya sa Sunday All Stars at ibang programa ng GMA 7. Nag-renew ba siya ng kontrata o tuloy ang paglipat niya sa TV5?
Baka naman gawin ni Ogie ang big announcement sa I Write the Songs, ang kanyang concert sa The Arena ng Mall of Asia sa Aug. 16?
‘Wala akong hilig sa social media’
Naka-private mode ang Instagram account ng fake na Lolit Solis na gumagamit din ng litrato ko. Unfair sa akin na ako ang tunay na Lolit Solis pero hindi ko ma-access ang Instagram account ng aking poser.
Inuulit ko, wala akong Twitter, Facebook, at Instagram accounts. Kung meÂron man, fake ’yon dahil wala akong hilig sa social media. Hindi ko kailangan ng mga account na ganyan dahil araw-araw ang radio program ko sa dzRH at dzBB, napapanood ako tuwing Sabado sa Startalk at may daily column ako sa PSN at PM. Sapat na ang mga outlet na ’yan para sa sharing ng mga showbiz news at activities ko. ’Yun lang!
BB nagkasakit dahil mahinang uminom ng tubig
Aral sa mga hindi mahilig uminom ng tubig ang nangyari kay BB Gandanghari na nagkaroon ng serious urinary tract infection dahil bihira ang pag-inom niya ng tubig.
Matagal na na-confine sa ospital si BB dahil dumating siya sa punto na may dugo na ang kanyang ihi. Mabuti na lang, naagapan ang karamdaman niya at pinayuhan siya ng kanyang doktor na dalasan ang pag-inom ng tubig.
Alam ko na ngayon kung bakit medyo dry ang skin ni BB nang magkita kami noon sa presscon ng Beauty and the Sweet. Hindi pala siya palainom ng tubig na napaka-importante sa ating katawan.
Sheena matutupad na ang pangarap na dumispley sa EDSA billboard
Nanay na si Sheena Halili sa TV dahil siya ang gaganap na madir ni David Remo sa Binoy Henyo, ang new early primetime show ng GMA 7 na magsisimula sa July 22.
At least, bida na si Sheena pagkatapos ng maraming taon na pagganap bilang bestfriend ng mga bida sa mga teleserye ng GMA 7.
Matutupad na ang pangarap ni Sheena na magkaroon ng malaking billboard sa kanto ng EDSA at East Avenue sa Quezon City dahil imposible na hindi siya kasama sa billboard ng Binoy Henyo.
Binoy Henyo ang title ng show dahil Robin ang pangalan ni David at Binoy ang kanyang nickname. Matalino at smart na bata si David na anak ng direktor na si Don Remo.
Nakatulong kay Sheena ang Indio dahil napansin ang husay niya sa pag-arte. Very challenging ang role ni Sheena sa nagtapos na primetime show ni Sen. Bong Revilla, Jr.
Ang Indio ang biggest break niya sa TV at naging daan para ibigay sa kanya ang role bilang nanay ni David Remo sa Binoy Henyo.
- Latest