Mas maganda nga ba ang mga babae sa paningin ng lalaki ’pag nakainom ng beer?
MANILA, Philippines - Totoo kayang lalong gumaganda at mas nagiging kaakit-akit ang mga babae sa paningin ng mga lalaking nakainom ng alak o beer? Isa nga ba ito sa mga epekto ng alkohol sa isang tao?
Para malaman ang kasagutan, magsasagawa ang Best Men ng isang scientific experiment kasama ang tulong ng iba’t ibang eksperto at tinawag itong Beer Goggles Experiment!
Kumuha ng tatlong lalaki ang Best Men para sumabak sa eksperimentong ito. Isang hindi umiinom, isang malakas uminom, at isang social drinker lang kung tawagin. Bago painumin ang alak, susubukin ang kanilang reflexes para lalong maintindihan ang epekto ng alkohol sa katawan, at ang pinaka-aabangang test ay ang pag-rate nila sa iba’t ibang babae na ipapakita sa kanila. Kapag nasigurado ng mga doktor na sila ay certified lasing na, muling ipapa-rate sa kanila ang mga kababaihan, at dito makikita kung nakakaimpluwensiya nga ba ang alak sa pananaw ng mga kalalakihan sa mga kababaihan!
At siyempre hindi rin nagpahuli ang Best Men sa pagdalo sa isang big event ng isang sikat na sexy magazine na FHM 100 Sexiest! Bukod sa pagparada ng mga nag-gagandahang dilag, nakilala rin ng Best Men ang isang lalaki na may kakaibang kwento! Akalain mong ang misis pa niya mismo ang bumili sa kanya ng ticket para makadalo sa event na ito! Bukod diyan, okay lang rin sa misis niya na siya ay mangolekta ng sexy mags!
Abangan ang kakaibang episode na ito ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 pm, sa GMA News TV Channel 11.
- Latest