Vice Ganda ipinangalandakan na nanonood ng show ng GMA
SEEN: Ang tweet ni Vice Ganda tungkol sa Friday night episode ng My Husband’s Lover : “Superb acting Carla Abellana and Tom Rodriguez!!! I was moved.â€
Pinapanood ni Vice ang primetime show ng GMA 7.
SCENE: Ang unsolicited advice kay ChaÂrice na maging natural sa kanyang mga kilos at pananalita para hindi trying hard ang dating ng pagiging tomboy niya.
SEEN: Pinagpalit na mga bata ang kuwento ng Mundo Mo’y Akin at pinagpalit na mga anak ang kuwento ng Muling Buksan Ang Puso. Magkatapat na programa ang Mundo Mo’y Akin at Muling Buksan Ang Puso.
SCENE: Hit sa televiewers ang kuwento ng My Husband’s Lover dahil bago ang plot nito. Walang mga bata na nawala at pinagpalit. Walang kontrabida na over acting ang kasamaan.
SEEN: Bumalik na sa Pilipinas si Anne Curtis at ang magazine team na kasama niya sa pictorial sa Brazil. Maraming isinakripisyo na showbiz commitments si Anne para sa cover pictorial.
SCENE: Negatibo ang reaksiyon ng publiko sa kaso ng contempt of court na isinampa ni Jed Salang laban sa kanyang asawa na si AiAi Delas Alas. Ginagawang basehan ni Jed ang dating interview ni AiAi.
SEEN: Proud si Lovi Poe sa title na Primera Aktresa na ibinigay sa kanya ng GMA 7. Hindi siya affected ng mga batikos na mali ang title na Primera Aktresa.
SCENE: Ang maling akala na si Robin Padilla ang bida sa Binoy Henyo, ang early primetime show ng GMA 7 na magsisimula sa July 22. Binoy ang showbiz moniker ni Robin pero isang baguhang child actor ang gaganap na Binoy Henyo, hindi siya.
- Latest