^

PSN Showbiz

Matteo hindi malimutan ang mga ginawa nila noon ni Jessy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging emosyonal si Jessy Mendiola sa kanyang naging pahayag sa amin sa The Buzz kamakailan nang mapag-usapan ang tungkol kay Matteo Guidicelli. Aminado ang aktres na nagkamabutihan sila ng binata pero naudlot ito. May mga balitang si Matteo pa raw ang nakipaghiwalay sa dalaga sa telepono kaya nasaktan nang sobra si Jessy.

“We are Line (mobile messenger service na iniendorso ng dalawa) friends. We’re always close. Hindi ba natuloy?” maikling bungad ni Matteo.

Sa presscon ng teleseryeng Maria Mercedes na pinagbibidahan ni Jessy ay inamin ng dalaga na minahal niya si Matteo. Ano kaya ang reaksiyon ng aktor tungkol dito?

“Talaga? panoorin ko sa YouTube. Salamat Jess for appreciating me. I wish you the best. Kami ni Jessy, sobrang close kami. Magkasama kami sa Paraiso for six months. Sobrang bonded kami ni Jess. Hindi ko talaga makakalimutan ’yung moments na we’re always together on the set with out director and everything. We share all those moments and it’s a blessing to work again with her in a new project,” paliwanag ng aktor.

Samantala, iginiit din ni Matteo na walang espesyal na namamagitan sa kanila ni Sarah Geronimo. Ayon sa aktor, talagang magkaibigan lamang sila ng Pop Princess.

Julia ayaw patulan ang kumpetisyon nila ni Kathryn

Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang mapabalitang gagawin ni Julia Barretto ang teleseryeng Cofradia. Marami ang nagulat nang ibalita ngayong linggo na hindi na ito matutuloy at sa halip ay isang bagong proyekto na ang gagawin ni Julia, ang Mira Bella. Makakasama ng aktres sa nasabing soap opera ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego at ang anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz na si Kiko.

Nakararamdam na raw ng pressure si Julia ngayon pa lamang lalo pa’t galing siya sa angkan ng mga magagaling na aktres katulad ng kanyang inang si Marjorie at mga tiyahing Claudine at Gret­chen Barretto.

“May pressure nga actually. Mataas nga ’yung expectation from us because our family is also from the business. Magaling naman po silang lahat and we cannot deny that. Ako nako-compare po ako sa mga tita ko eh pero inspiration na ’yun to do better for us,” nakangiting pahayag ni Julia.

Samantala, naikukumpara na rin ang aktres kay Kathryn Bernardo pero aminado si Julia na hindi siya kumportable rito.

“Wala naman pong gustong mai-compare sa ibang artista. We all respect each other naman po and our work. Kathryn and I we are very different naman po and she is a very good actress and very beautiful. ’Yun po ang focus naming dalawa, she has her own show and I am going to be working on my own show as well. It is really part of showbusiness naman to be compared as long as you don’t let it get sa head mo. Focus lang sa work. We are both focused lang naman sa work and I’m sure naka-focus naman po siya,” paliwanag ni Julia. Reports from JAMES C. CANTOS

                          


 

 

 

CESAR MONTANO

CHESKA DIAZ

GARY ESTRADA

JESSY

JULIA

JULIA BARRETTO

KATHRYN AND I

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with