^

PSN Showbiz

Toda Max, magbababu na?!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matsutsugi na nga ba ang Toda Max dahil ayaw na raw itong balikan ni Robin Padilla?

Ang sabi merong nire-request si Robin sa production pero hindi raw ito pinagbigyan kaya waley na itong planong magpatawa sa comedy program ng ABS-CBN.

Ano bang totoo dito? So hanggang kailan pa sila eere?

Pero sa episode sa Sabado may babalik sa bu­hay ni Isabel (Angel Locsin) ngayong parang steady na steady na sila ni Justin (Vhong Navarro), at dahil may nakaraan si Isabel at ang lalaking nakasalubong niya habang namamasyal sa isang amusement park, masusubukan ang mga relasyon.

Si Joe (Zanjoe Marudo) ang kababata ni Isabel (Angel) noong sila ay bata pa, pero hindi lang pagkakaibigan ang nangyari sa kanilang dalawa—inibig ni Joe si Isabel at nangako pa nga ito na kung magkita sila ulit ay liligawan niya at pakakasalan si Isabel.

Ibang-iba si Joe kumpara kay Justin. Si Joe ay adventurous at exciting, samantalang si Justin naman ay sobrang sigurista—ang problema, baka mas mag-enjoy si Isabel kasama si Joe ngayon.

Mapaibig kaya muli si Isabel kay Joe kahit nasa buhay na niya si Justin? May laban ba si Justin sa mga dating pangako ng dalawa?

Huwag palampasin ang mga sagot sa Toda Max ngayong Sabado (Hulyo 13) na mapapanood sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Teka hindi kaya si Zanjoe na lang ang papalit kay Robin sa Todo Max?

Mga usapang patok sa gandang Ricky Reyes

Ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas- diyes ng umaga ay mga usa­pang patok ang mapapanood sa programang Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT).

Abangan ang one on one interbyu ni Mader Ricky kina Tom Rodriguez at Dennis Trillo o ang kilala ngayong Tom-Den loveteam.

“Sa aming interbyu ay isisiwalat ng dalawang magkarelasyon kung paano nila pinaghandaan ang kani-kanilang papel, ano ang epekto ng serye sa kanilang personal na buhay at kung ano rin ang pagtanggap nila sa ngayo’y tila pagdududa ng publiko sa kanilang tunay na kasarian dahil sa husay nilang umatake sa beki role,” sabi ni Mader RR.

Goodbye false eyelashes. Goodbye eyelash extension. Eto na ang patok na Magic Lashes na ma­daling ikabit at madali ring tanggalin.  Para ma­su­bukan ito’y magsadya sa alinmang branch ng Gandang Ricky Reyes salon.

Sa mga mahilig kumain samahan si Mader sa pagkain niya sa patok na buffet sa Spiral Restaurant ng Sofitel Hotel.  Bukod sa marami at masasarap na putahe’y bongga ang lugar na akma sa pampamilyang weekend bonding at pang-magkakadabarkads na-food trip din.

Para sa marami pang panooring patok tutok lang sa GRR-TNT tuwing Sabado na prodyus ng ScriptoVision at umeere sa GMA News TV.

Botohan para sa Starstudio Celebrity Style Awards huling hirit na

Inaanyayahan ng StarStudio Magazine ang lahat ng fans at mahihilig sa fashion na iboto ang kanilang mga paboritong stars sa 2nd StarStudio Celebrity Style Awards. Ang StarStudio ay ang celebrity lifestyle at entertainment news magazine ng ABS-CBN Publishing.

Ongoing ang botohan hanggang ngayong Sabado, July 13.

Ang mga napiling nominee na kasama sa pabo­ritong style star ng bansa ay pinili ng StarStudio ka­sa­ma ang isang grupo na binubuo ng mga impluwensyal na tao sa mundo ng Philippine fashion na nga­yoy tinawag na StarStudio Style Council. Sila ay sina School of Fashion and the Arts co-founder and bag designer na si Amina Aranaz-Alunan, fashion show director na si Jackie Aquino, model-actress Ma­rina Benipayo, fashion designer Randy Ortiz, at Creative Director ng Metro Magazine na si Patrick Ty.

Iboto at ikampanya ang inyong paboritong fa­shio­­nable na artista. Bumoto sa StarStudio Style Awards! Puwedeng bumoto online sa push.com.ph/vote o magtext. Para sa kumpletong detalye tungkol sa StarStudio Celebrity Style Awards, mag-log on sa www.facebook.com/StarStudio.Magazine.

CELEBRITY STYLE AWARDS

GANDANG RICKY REYES

JUSTIN

SABADO

SHY

SI JOE

STARSTUDIO

TODA MAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with