Mel Tiangco pinalitan ni Kara David sa Powerhouse
MANILA, Philippines - Sa loob ng mahigit dalawang taon, ang Powerhouse ng GMA News TV ang nagbigay ng public access sa mga manonood upang makita ang pribadong buhay ng mga prominente at malalaking tao na kilala sa iba’t ibang larangan.
Sa pagpasok sa ikalawang season ng weekly show, iba na ang makikitang magho-host nito — ang Peabody award winner na si Kara David.
“It would not be possible to find anyone who can completely fill Mel Tiangco’s shoes,†sabi ni Nessa Valdellon, channel head ng GMA News TV, patungkol sa orihinal na anchorwoman-TV host.
“But we know Kara will bring sharp interviewing skills and her insightful writing to the show. We’re looking forward to the new Powerhouse!â€
Nagpahayag din ng paghanga ang mas nakababatang Kapuso reporter, “I feel really honored to host Powerhouse. Malaking karangalan ang magmana o humalili sa programa ng isa sa aking mga iniidolo,†sabi ni Kara. “Tita Mel is a big inspiration, a friend, and a mentor. I feel excited pero at the same time nervous kasi big shoes to fill talaga ito.â€
Si Kara ay isa sa mga award-winning journalist ng GMA. Nagsimula siya sa GMA Network, Inc. bilang production assistant, researcher, at writer bago naging reporter, documentarist, host, at anchor ng GMA News Public and Affairs.
Naging household name si Kara dahil sa flagship documentary ng GMA 7 na I-Witness. Dito rin siya nagkamit ng sunud-sunod na parangal mula sa local at international award-giving institutions, kabilang na nga ang tanyag na George Foster Peabody Award, ang Oscars ng broadcast journalism. Nakatanggap din siya ng parangal sa Asian Television Awards, US International Film and Video Festival, at New York Festivals.
Dahil mulat na sa iba’t ibang sakit ng lipunan, nagtayo na rin ng sariling foundation si Kara na tinawag niyang Project Maliksi.
Sa kasalukuyan, bukod sa pang-araw-araw na gawain bilang Kapuso journalist, nag-anchor na rin si Kara ng morning news program na News to Go sa GMA News TV kasama si Howie Severino.
Para sa Season 2, papasukin ng team ni Kara ang bahay ni Gov. Vilma Santos-Recto sa Batangas. Hindi lang iyon, ikukuwento rin ng Star For All Seasons ang kanyang pribadong buhay kapag wala sa harap ng camera o ng kanyang constituents.
Samahan si Kara na patuloy na maipakita ang ibang mundo ng kanyang nakakapanayam sa bagong season ng Powerhouse sila sa July 16, 8:00 p.m., sa Channel 11.
- Latest