Susan Roces nakamit na ang pangarap na maging matapang
MANILA, Philippines - Agad na nagmarka sa puso ng primetime TV viewers ang kasisimula pa lamang na drama series ng ABS-CBN na Muling Buksan ang Puso na pinagbibidahan ng pinakabagong Primetime Idols ng Kapamilya network--ang teleserye sweetheart na si Julia Montes, versatile actor na si Enchong Dee, at ang next ultimate leading man na si Enrique Gil.
Partikular na pinupuri ng mga manonood ang mala-pelikulang paglalahad ng kuwento, cinematography, at musical scoring ng serye; gayundin ang markadong pagganap ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces sa dominanteng karakter ni Donya Adelina Beltran.
“Matagal ko nang hiniling magkaroon ng pagbabago sa character na ipino-portray ko dahil nga sa mga nakaraan kong serye ay puro mabait at mahirap ako. Ngayon ay iba naman, palaban,†pahaÂyag ni Susan kaugnay ng karakter niyang gabi-gabi nang inaabangan ng viewers.
“Hindi naman nakakagulat ‘yung pagkatao ni Adelina kasi lahat naman tayo, basically, may dalawang mukha--the good side and the bad side. May mga pangyayari sa ating buhay na nagiging dahilan kung bakit ganito tayo ngayon,†dagdag niya.
Matapos hadlangan ang pag-iibigan nina Carissa (Agot Isidro) at Nicholas (Jestoni Alarcon), ano pa ang mga gagawin ni Donya Adelina upang ‘maprotektahan’ ang kanyang pamilya? Anong kasinungalingan ang babalot sa pagkatao ng mga anak nina Carissa at Marietta (Cherie Gil)?
- Latest