Daiana hindi pang-asawa ng congressman ang suot nang rumampa!
SEEN: United Nations week ang peg ng FHM’s 100 Sexiest Women 2013 dahil different countries ang concept ng victory party na ginanap sa World Trade Center noong Miyerkules.
SCENE: Si Giselle Sanchez ang host ng FHM Victory Party. Maligalig na host si Giselle dahil sinapawan niya ang mga celebrity na kanyang ininterbyu.
SEEN: Ang comment ni Giselle Sanchez na kamukha ni Kim Chiu ang starlet na si Jade Lopez. Sinunod ni Jade ang utos ni Giselle na pasalamatan niya ang fans ni Kim na sumusuporta sa kanya.
SCENE: Inspired ng fashion show ng Victoria’s Secret ang victory party ng FHM Philippines. Pinagsuot ng malalaking pakÂpak si Marian Rivera at ang ibang sexy stars na rumampa.
SEEN: Rumampa sa victory party ng FHM si Roxanne Barcelo na malaki ang inilaki ng bumpers. Roxanne who?
SCENE: Wala si Sam Pinto sa victory party ng FHM dahil pinaghandaan niya ang kanyang “commercial shoot†kahapon.
Walang dapat ikabahala si Sam dahil walang naghanap sa kanya.
SEEN: Hindi saklaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Internet kaya pinagpistahan ang replay ng livestream ng FHM Victory Party dahil sa mga babae na nagpakita ng boobs at puwet.
Off air na kahapon ng umaga ang livestream replay.
SCENE: One of those na lamang si Rufa Mae Quinto sa victory party ng FHM dahil mas marami ang bata at sariwa na aktres na rumampa.
SEEN: Hindi pang-congressional wife ang costume ni Daiana Menezes sa FHM Victory Party.
Hindi na congressman ang kanyang asawa na nagtangka na tapusin ang sariling buhay.
- Latest