^

PSN Showbiz

Mga naiwang yaman ni Dolphy, hinahati-hati na!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Matutuwa si Dolphy sa kabilang buhay na ma­la­man na walang gulo na nagaganap sa pagsi­mula nang pagpaplano ng paghahati-hati ng kanyang mga ari-arian. Habang maraming pamil­ya ang nagugulo at nagkakawatak-watak sa mga ganitong pagkakataon, tahimik lamang ang mga magka­ka­­patid na Quizon na maghihintay na lamang sa  magiging bunga ng hatian na pinamumunuan nina Zsa Zsa Padilla at Eric Quizon ayon sa kahilingan ng hari ng comedy.

May mga anak na nakatanggap na ng kanilang mana, pero may mga prayoridad na hindi maaring mahati kaya ibibigay na lamang ito ng buo sa mga magkakapatid o sila na lamang ang bahalang mag-usap-usap kung paano nila ito paghahatian.

Nakatutuwang malaman na after ng isang taon ng pagkamatay ni Dolpy ay buo pa rin at nagkakaisa-isa ang marami niyang anak. Credit should go to Eric sa mahusay niyang pamumuno, at kay Zsa Zsa rin, sa kanilang pamilya.

Jake mas pinili pa rin si Andi

Marami sa mga nakakita kina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na lumilibot sa mga tourist spot ng Maynila ang nagulat nang makitang magkasama ang dalawa. Ang alam kasi ng marami ay may tampuhan pa ang dalawa na nag-ugat sa hindi pakikipaglaban ng anak ng dating mayor ng San Juan, senador at pangulo ng bansa at ngayon ay mayor ng Maynila. Ob­viously, lingid sa kaalaman ng lahat at sa kabila ng maraming balitang nagli-link kay Jake sa maraming babae, showbiz and non-showbiz, nagkaayos na ang dalawa. Kung hindi ay bakit sila magkasama sa isang lakaran to promote tou­rism in the city gayung puwede naman silang tumanggi kung ayaw nila?

John Lloyd sawa na sa mga paninira sa relasyon nila ni Angelica

Nagtataka sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban kung bakit parang marami ang gustong papaghiwalayin sila. Konting kibot lang ay iniintriga na sila. Huwag na may makilala at makasama si John Lloyd ay sinasabi na agad na pinalitan na niya si Angel. ‘Yun namang mga magagandang gesture ng aktres para sa boyfriend ay ipi­na­mamarali ng marami na isang pagtatangka para maisalba ang relasyon nila kundi man mabigyan ng init ang sinasabing panlalamig ng relasyon nila.

Muli, sinabi ni John Lloyd na solid ang relasyon nila. Kung naaapektuhan man siya ng mga intriga, ito ay dahil napapagod din siyang magpaliwanag at marami silang mga fans na baka, tulad niya, ay maapektuhan din ng mga balita.

Ligawang Rafael at Bianca, may basbas na ni Dennis

Hindi nakapagtataka kung one of these days ay mabalitaan na lang natin na may relasyon na sina Rafael Rosell at Bianca King. Paano kasi, kahit hindi hinihingi ng kaibigan niya ibinigay na ni Dennis Trillo ang kanyang blessing sa dalawa. Magagawa nang ligawan ni Rafael ang ex ni Dennis, na ayaw nitong ligawan dahil may Bro Code silang  sinusunod na magkakaibigan na hindi nila sisirain ang kanilang friendship sa pamamagitan ng panliligaw sa kani-kanilang mga ex. Sinabi ni Dennis na matagal nang wala silang relasyon ni Bianca at malaya ang friend niyang si Rafael na i-pursue ito.

Nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Rafael at Bianca nang magtambal sila sa Maghihintay Pa Rin.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANGELICA PANGANIBAN

BIANCA

BIANCA KING

BRO CODE

JOHN LLOYD

RAFAEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with