^

PSN Showbiz

Bitbit pa ang asawa Kumpirmado na lilipat, sikat na celeb soap opera ang unang assignment

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama ba ang nabalitaan naming hindi pa man nakakapirma ng kontrata ang sikat na celebrity sa diumano’y lilipatang network, may inihahanda ng show para sa kanya. Ang ibig sabihin nito, sigurado na ang network na pipirma ng kontrata sa kanila ang sikat na celebrity, kahit ang sabi ng kampo nito, under negotiation pa ang kanyang paglipat.

Ang sabi pa, hindi musical at gag show ang isa sa mga show na gagawin ng sikat na celebrity kundi teleserye para siguro mai­ba sa mga dati nitong ginawang shows sa da­ting network. Sabagay, nakagawa na ng soap ang celebrity sa dating network na kanyang iiwan, kaya hindi siya maninibago.

Ang ikinagulat lang na­min, hindi lang para sa sikat na celebrity ang show na ipinapa-develop sa writers ng network. May kasama raw lilipat ang sikat na celebrity na malapit sa kanya. Double interesting ito, pero ang alam namin, hindi pa mag-i-expire ang kontrata nang sinasabing makakasama ng sikat na celebrity sa gagawing soap o baka naman hindi lang natin alam ay nag-expire na.

Roxanne wala pang alam sa susunod na trabaho

Mami-miss ni Roxanne Guinoo ang mga kasama sa Home Sweet Home dahil naging close sila sa taping. Para silang totoong pamilya at sa last taping day nila sa Wednesday, alam niyang malulungkot ang lahat.

Nakita niya kung  gaano kaseryoso ang co-stars niya kahit ang mga bagets at childstars. Special men­tion ni Roxanne si Jillian Ward na bago kunan ang mga eksena, memoryado na ang lines at ‘pag crying scene ang kukunan ni Direk Gil Tejada, nag-i-internalize. Pupunta raw sa isang sulok si Jillian at doon naghahanda ng mga eksena, kaya laging maayos ang mga eksena.

Si Gladys Reyes naman, kung gaano kasalbahe bilang si Agoncilla, ganu’n naman kabait sa tunay na buhay. Binigyan din siya nito ng breast feed bag at feeding bottle para kahit nasa taping siya, nakakapag-pump siya ng milk for her baby.

Lagi ring may ibinibigay sa kanya si Gladys na organic na gamot para sa babies niya. Napaka-thoughtful daw ng aktres, sa TV lang ito bad dahil napakabait na tao sa totoong buhay.

Wala pang balita si Roxanne ng next show niya sa GMA, ang wish lang niya kung mayroon, pambatang programa rin na mapapanood ng kanyang dalawang anak at ibang mga bata.

Bagong diskubre ng GMA gustong maging hero

Introducing sa Binoy Henyo ang six-year-old na si David Remo na nadiskubre sa TV na commercial model. Nag-audition ang bagets sa GMA Network para sa role ni Binoy at nakapasa. Advantage rin sa kanya na bagay silang mag-ina ni Sheena Halili dahil pareho silang maputi.

Grade one sa La Salle Greenhills si David, champion siya sa reading, math at elocution at la­ging champion sa pagtula. Paglaki niya gusto niyang maging hero o kaya’y doctor para kalabanin ang bad guys at gamutin ang mga may sakit.

Sa July 22, bago ang 24 Oras ang pilot ng Binoy Henyo.

Raymond babu na sa GMA

Marami ang naintriga sa tweet ni Raymond Gu­tier­rez na “Received good news. Anticipating this new project and new environment.” Ang dating ng mga nakabasa ng tweet ni Raymond ay lilipat siya ng network, pero nang tanungin ng isa niyang follower if he’s moving to another network, hindi sumagot.

Matagal nang hindi napapanood sa GMA 7 si Raymond mula nang alisin ng istasyon ang H.O.T. TV  at Party Pilipinas kung saan siya host. Kahit mag-guest co-host, hindi ginagawa ni Raymond.

Walang balita kung ire-renew ng Channel 7 ang kontrata niya o kung pinag-uusapan na.

BINOY HENYO

DAVID REMO

DIREK GIL TEJADA

NETWORK

PARA

RAYMOND

ROXANNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with