Raymart ayaw nang patulan ang mga patutsada ni Claudine
PIK: Sa nalalapit na pagtatapos ng Home Sweet Home, nabuo na rin ang pamilya Caharian nina Reden (Raymart Santiago) at nalaman nilang lola nga nila si Pandora (Celia Rodriguez).
Pero nagpakita na rin ang big boss ni Pandora at kailangan pa nitong makawasak ng isang pamilya para matigil na rin ang pagbabantay sa lumang bahay.
PAK: Humarap si Raymart sa mga reporters nang magpa-press visit sa set ng Home Sweet Home pero iniiwasan niyang pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nila ni Claudine Barretto, Kinumpirma na ng huli na umalis na sa kanila si Raymart at hindi nga ito nagpakita sa birthday ng adopted daughter nilang si Sabina.
Tahimik pa rin si Raymart, samantalang si Claudine naman ay nagpu-post sa kanyang Instagram account na hatid sundo niya sa school sina Sabina at si Santino. Dedma pa rin si Raymart.
BOOM: Nagpaalam na si Mark Herras kay Nadia Montenegro na ni-let go na raw niya si Ynna Asistio at mukhang seryoso na ang kanilang break-up.
Maaring ito nga ang dahilan kung bakit siya nagpa-tattoo uli sa katawan.
Ayon kay Nadia, nagkausap na raw sila nang masinsinan ni Ynna at tanggap na nitong malabo nang magkaayos at magkabalikan ang dalawa.
Magsisimula na raw mag-taping si Mark sa drama series na pagsasamahan nila ni Jennylyn Mercado at si Ynna naman ay magku-concentrate daw muna sa kanyang pag-aaral.
Sinabi naman ni Nadia na patuloy pa rin daw niyang mamahalin si Mark bilang anak-anakan niya kahit wala na itong relasyon kay Ynna.
- Latest