^

PSN Showbiz

Jennylyn ginagaya si Kris

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Naresolbahan na ng korte ang problema ng pagpapahiram ni Kris Aquino kay Bimby sa ama nitong si James Yap. At kahit hindi pa maayos ang relas­yon ni Kris kay James, masaya na ito sa naging resulta ng ipinagkaloob na visitation rights ng korte kay James.

Ganito rin marahil ang kahahantungan ni Patrick Garcia kapag ipinagpatuloy ni Jennylyn Mercado na ipagdamot dito ang anak nilang si Alex Jazz.  O kung makuntento na ang aktor sa pagkakaroon ng isa pang anak at hayaan na lang ang kanyang panganay sa kalinga ng ina nito ay dapat isipin ni Jennylyn dahil kung patuloy na hindi magkikita ang mag-ama, darating at darating ang araw na magtatanong ang anak niya at malamang malungkot ito’t magalit sa kanya kapag nalaman ang dahilan kung bakit hindi sila nagkikitang mag-ama.

Anuman ang dahilan ni Jennylyn, dapat matuto siya ng leksiyon kay Kris na ipakilala ang anak sa ama nito.

Hindi nga naman tama na maging mas malapit ang anak niya sa magiging amain nito gayung nagpapakita naman ng interes si Patrick sa bata.

Susan Roces kering-keri ang katarayan

Sayang at hindi ako nakadalo sa advanced showing ng Muling Buksan ang Puso nung Linggo sa sinehan ng Megamall. Dahil sa traffic, ginabi ako ng pagpunta sa Edsa galing Cabuyao, Laguna. Pinanood ko na lamang ang pilot showing nito sa TV at maganda ang ibinabadya ng serye with Susan Roces dominating the first night showing. Pinagbigyan ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng Dreamscape, ang unit na pinamumunuan ni Deo Endrinal na nagprodyus ng serye ang kahilingan ng Reyna ng Pelikulang Pinoy na ibahin naman ang role niyang si Adelina  sa bagong programa sa ginampanan niyang Manang Henya sa Walang Hanggan.

Mataray ang kanyang role, pero kahit paano niya api-apihin ang character ng mag-inang Pilar Pilapil at Cherie Gil ay ramdam mo pa rin na may puso siya at may matinding dahilan lamang kung bakit siya nagkakaganun.

Marami ang ngayon pa lamang ay  nag-aabang na sa paglitaw ng mga characters nina Julia Montes, Enchong Dee, at Enrique Gil. Hindi naman daw sila maiinip dahil maganda rin naman ang tinatakbo ng friendship nina Agot at Cherie Gil na nawawasak sa pagpasok ni Jestoni Alarcon na pareho nilang nagugustuhan. Kaabang-abang din ang dahilan kung bakit malambot si Susan pagdating kay Dante Rivero na tinatawag na tatay ni Agot at sinabi pang siyang pumirma ng adoption papers niya.

This early, gusto na ring malaman ng lahat kung paano magiging magkapatid sina Julia at Enchong.

Sam mas lalong kinamumuhian

Hindi naman makakaapekto sa kasikatan ng Huwag Ka Lang Mawawala ang  pagbabago ng oras nito. Makakatulong pa ito para matutukan din ng manonood ang dalawang unang serye bago ito.

Habang nagtatagal, lalong tumitindi ang galit ng mga manonood kay Sam Milby na walang lakas ng loob na tutulan ang mga ipinag-uutos ng ama (Tirso Cruz lll) even at the expense of  own family.­ Gusto na ring hilahin ng mga manonood ang araw para dumating na ang panahon na hindi na maipagtutulakan ng mag-ama si Anessa (Judy Ann Santos).

Kiko sinuwerte

Masuwerte naman si Kiko Estrada, anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz, dahil ito ang napili ng ABS CBN na makapareha ni Julia Baretto sa Confradia. Asang-asa ang marami na makukuha ni Julian Estrada ang  oportunidad, pero naunahan siya ng isa pa ring kamag-anak.

AGOT

ALEX JAZZ

ANAK

CHERIE GIL

CHESKA DIAZ

DANTE RIVERO

DEO ENDRINAL

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with