John Lloyd enjoy pakainin si Angelica!
Maasikasong boyfriend daw si John Lloyd Cruz kay Angelica Panganiban. Isa na sa magpapatunay nito ay ang mga larawang nai-post ng aktres kamakailan na nagpapakita ng kanyang baon sa taping katulad ng pandesal o Pinoy rice na galing daw mismo sa actor boyfriend.
“Marami akong pinipili for her. It’s something I enjoy. More than being a quality that I want people to know of, it’s something I enjoy doing. It gives me pleasure. Halimbawa, wala siyang chance kumain, to actually sit down and eat, baunin mo na lang. Siguro dahil ’yung parents ko, noong ginagawa ako, gusto babae. Eh ako ’yung lumabas. Kaya lahat nang ginagawa ng babae from nail spa, grocery, shopping, kaya kitang i-outshop. Magsasawa ka,†nakangiting pagmamalaki ni John Lloyd.
Wala na raw mahihiling pa ang aktor sa kanilang relasyon ni Angelica ngayon. Kasalukuyang nagbabakasyon ang magkasintahan sa Thailand at pagbalik nila sa Pilipinas ay magsisimula na muli ng kanya-kanyang mga proyekto.
Matatandaang nagdiwang ng kanyang ika-30 kaarawan ang aktor noong June 24 at ang tanging gusto raw niya ngayon ay bigyang pansin ang kanyang kalusugan.
“Thirty is a milestone. Since I’m not getting any younger, right now, I’m starting to focus on engaging myself in as many sports as possible like badminton. I’m starting to run and nand’yan pa rin naman ‘yung nagba-bike pa rin ako. That’s my goal because para ma-enjoy ko rin buhay ko, meaning, kailangan kong ma-enjoy lahat ng gusto kong kainin. I have to do my part,†natatawang pahayag ni John Lloyd.
Nash idinenay na ginagaya ang porma ni Daniel
Ilang taon ding hindi lumabas sa telebisyon si Nash Aguas mula nang nag-graduate ito sa Goin’ Bulilit. Ngayong lumaki na ang child star ay muli siyang nagbalik-Kapamilya sa youth-oriented show na Luv U. Ayon sa young actor, nag-mature na ang kanyang pag-arte kasabay ng kanyang pagbibinata.
“Noong nandiyan na ‘yung first taping hindi naman nawala sa akin ang acting kasi nagka-age na ako, mature na ako. Mas naiintindihan ko na kung paano gagawin ang role ko,†bungad ni Nash.
May mga nagsasabing ginagaya raw niya si Daniel Padilla dahil magkahawig ang porma nilang dalawa. Pero itinanggi ito ni Nash. Wala naman daw siyang intensiyon na kumpetensiyahin si Daniel.
“Hindi ko po siya gustong kalabanin or something kasi magkaibigan po kami. Natutuwa po ako sa suporta pero parang hindi naman kumpetisyon kasi si Kuya Daniel, seventeen na siya, mas matanda siya sa akin. Fourteen pa lang ako, so, ’di ko iniisip na parang gano’n,†giit ni Nash. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest