Mister tulala at hindi makapaniwala sa ginawa ni misis, aktres nagluka-lukahan, nilayasan ang asawang good provider at mahal na mahal siya
Nagluluka-lukahan ang aktres na nakipaghiwalay sa kanyang asawa dahil feeling bored housewife siya. Nalungkot at nanghinayang ang mga kaibigan ng aktres sa desisyon nito na iwanan ang good provider na mister na mahal na mahal siya.
Witness ang friends ng aktres sa sobrang pag-aalaga sa kanya ng mhin. Ang feeling ng mga kaibigan, ang aktres ang nang-abuso sa kabutihan ng kanyang asawa. Siya ang may problema, hindi ang mister na tulala at hindi makapaniwala na magagawa ng aktres na iwanan siya. Walang sangkot na third party sa hiwalayan portion ng dalawa. Umiral lang talaga ang kagagahan at pagiging luka-luka ng discontented actress.
Cong. Lani naoperahan
May minor operation kahapon sa kamay ni Congresswoman Lani Mercado dahil sa natibo siya ng isang sea urchin. Mag-ingat sa sting ng mga sea urchin ang paalaala ni Lani sa lahat ng mga naliligo sa dagat dahil isang buwan na ang nakalilipas nang ma-discover niya na may naiwan na tinik ng sea urchin sa kanyang kamay.
Salungo ang Tagalog word sa sea urchin na may matinik at nakakatusok na balat.
Walang taping kahapon si Lani para sa Mga Basang Sisiw kaya nagkaroon siya ng oras na ipa-opera ang kanyang kamay. Walang dapat ikabahala ang mga nagmamahal kay Lani dahil minor operation lamang ang kanyang pinagdaanan.
Babang -luksa!
Ang bilis ng panahon. Sino ang mag-aakala na isang taon na pala ang nakalilipas mula nang mamatay si Mang Dolphy sa Makati Medical Center dahil sa kanyang lingering illness?
Ngayon ang babang-luksa ng pamilya ni Mang Dolphy. Babang-luksa ang tawag ng mga Pinoy sa first death anniversary ng isang tao. Mag-expect tayo ng mga tribute sa TV bilang paggunita sa pagpanaw ng Comedy King na nananatiling buhay ang alaala sa puso at isip ng mga Pinoy na pinaligaya niya sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula at TV show.
Kung buhay si Mang Dolphy, tiyak na endorser siya ng Hope in a Bottle, ang bottled purified drinking water na project ni Nanette Medved. Maganda ang motibo ni Nanette dahil mapupunta sa pagpapatayo ng mga classroom ang kikitain ng Hope in a Bottle.
Si Mang Dolphy ang kauna-unahang artista na pumayag na maging endorser ng Hope in a Bottle. Libre o walang bayad ang endorsement ni Mang Dolphy pero hindi natuloy ang mga plano dahil sa kasamaang-palad, nagkasakit siya at madalas na ma-confine noon sa ospital.
Si Papa Joey de Leon ang isa sa mga celebrity endorser ng Hope in a Bottle. Kaharap ako nang makipag-meeting si Nanette kay Papa Joey na agad na pumayag na maging endorser nang malaman niya na ang mga kabataan na mag-aaral ang makikinabang sa bonggang project.
Mark at Ynna wala pang sinasabi sa kanilang paghihiwalay
Hindi pa kami nagkakausap ni Mark Herras kaya clueless pa ako sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Ynna Asistio. Nabigla ang close friends ng dalawa dahil in love na in love sila sa isa’t isa. Ang akala nila, sina Mark at Ynna ang magkakatuluyan dahil sa rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang relasyon.
Open book sa publiko ang personal na buhay ni Mark. Sooner or later, malaÂlaman natin ang the truth and nothing but tungkol sa break up nila ng kanyang girlfriend. Sa pagkakaalam ko, si Ynna ang pinakamatagal na karelasyon ni Mark, after ng on-and-off relationship nila noon ni Jennylyn Mercado.
- Latest