^

PSN Showbiz

Nagtagumpay kay Kris James nakapiling na si Bimby!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Oh finally nagkita na pala ang mag-amang James at Bimby Yap. Nag-post kahapon si James ng picture nila ng anak kay Kris Aquino na nasa kotse. At ang caption : “Joyride bonding with my boy. Priceless! #qualitytime #fathersonbonding #happyfather.”

Siyempre epekto na ito nang napag-usapan nila sa korte na visitation rights ng basketbolista sa kanyang anak.

Ang daming nag-like sa nasabing photo kahapon ni James at as of mga 5:00 p.m. kahapon, almost 2,500 na.

Pero ang isang napansin ng fans ay walang seatbelt na suot si Bimby habang nakasakay sila sa kotse.

Anyway, alam na rin ni James kung paano pag-usapan ha.

Parang pag gusto niyang inisin si Kris, magpo-post siya ng picture kasama ang girlfriend niya at ngayon naman para patunayan ang pagiging mabuti          niyang ama, nag-post naman siya ng photo nila ni Bimby. Puwede naman sana sinarili na lang niya ‘yun.

La Greta, enjoy sa pag-eksena sa serye ni Juday

Balik TV si Gretchen Barretto. Yup kasama na siya sa cast ng Huwag Ka Lang Mawawala na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, KC Concepcion, and Sam Milby.

Sa kanyang official Instagram account, nag-post si La Greta ng iba’t ibang litrato niya habang nasa taping kasama mismo si Juday. “I love joining this team and I’m loving every minute of it,” aniya sa isa sa behind-the-scene photos na ibinahagi niya sa fans.

Sa kuwento ng  Huwag Ka Lang Mawawala ay gagampanan ni Gretchen ang karakter ni Attorney Eva Custodio.

Well tuklasin natin ang magiging kaugnayan ni Atty. Custodio sa buhay ni Anessa (Judy Ann) sa mas palaban na kuwento ng Huwag Ka Lang Mawawala, gabi-gabi sa bago nitong oras sa ganap na 9:15 p.m., pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso  sa ABS-CBN Primetime Bida. 

Show nina Sharon at Aga kasado, ibang taga-TV5 tanggap ang mga pagbabago

Kung marami mang nalulungkot sa bagong management ng TV5, marami rin naman daw sa kanila ang tanggap ang mga decisions ng bagong pamunuan ni Mr. Noel Lorenzana at ni Mr. Wilma Galvante ayon sa isang insider ng TV5.

At kung maraming mawawalang programa, marami rin naman daw ang ilalabas sa 3rd quarter of this year.

“This includes Sharon’s new show which is going to be the first for Shawie. Aga (Muhlach) will come back on Pinoy Explorer and this will also have its new look. We continue to plan, think of new shows for everyone and we plan to roll these out the next new months,” paliwanag ng isang source na alam na alam ang mga gagawin ng Kapatid Network sa mga susunod na buwan.

So walang dapat ipag-alala ang mga fans nina Sharon at Aga na naiinip na sa kanilang mga bagong programa matapos silang pumirma ng kontrata sa TV5.

Jake at Andi nag-tour sa Intramuros

Uy magkasama  sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na nag-tour sa makasaysayang lugar sa Maynila, ang Intramuros. Sila na ba uli?

Sa blog ni Jake, ikinuwento niya na nag-enjoy siya sa tour sa Intramuros na pinangunahan ng kilalang celebrity tour guide na si Carlos Celdran at gusto ni Manila Mayor Joseph Estrada na gawing Manila’s Bureau of Tourism Chief. Kasama niya sa mga litrato ang anak ni Jaclyn Jose.

Pero wa siyang mention ng tungkol kay Andi, basta photos lang nila.

Heto ang laman ng blog post ni Jake :

“In the little over a month I spent campaigning for my dad, I got to see many parts of the city of Manila and noticed its profoundly unfortunate state. It is an overpopulated city with worn down buildings and chaotic roads jammed not only with vehicles of literally all shapes and sizes, but also with vendors who couldn’t care any less. So it’s only shamefully fitting for it to lose its reputation as the “Paris of the East” and be disgracefully downsized to the “Gates of Hell.”

“Thoroughly savvy and entertaining, Carlos Celdran’s “The Classic Intramuros Walking Tour” gives you a chance to brush up on Philippine history and pick up amusing trivialities your grade school tea­chers chose to brush off. The tour sure did give me a new outlook on Manila and greater hopes for it to be what it once was: a geographically vital city that was way ahead of its time made priceless by the loot bag of cultures that inhabited and dwelled in it.

“Despite Manila’s present situation, Celdran’s passion for his turf is certainly undeniable and inspi­r­ing, so I was thrilled to find out he accepted the offer of the new local administration for him to be Manila’s Bureau of Tourism Chief. If only more people would see Manila in Carlos Celdran’s eyes and act on it, we could absolutely make “Extreme Makeover Manila” a thing.”

Parang susunod din sa yapak ng kanyang ama si Jake.

 

 

 

 

 

ANDI

BUREAU OF TOURISM CHIEF

CARLOS CELDRAN

HUWAG KA LANG MAWAWALA

INTRAMUROS

LA GRETA

MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with