^

PSN Showbiz

Anak na kinakagat ang ari at pinapatungan ng ama, sasaklolohan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kukumustahin nina Maan Macapagal at Dominic Almelor sa Pinoy True Stories: Saklolo ngayong Miyerkules (Hulyo 10) ang iba’t ibang taong nasagip mula sa kalupitan o paghihirap dala ng karam­daman ng kanilang mga mahal sa buhay.

Buntis noon si Marites sa kanyang pamilyadong karelasyon na si Alex nang magdesisyon siyang lumayo na. Ngunit ayaw siyang tan­tanan ni Alex at sinimulang bugbugin, plantsahin sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at tangkaing sunugin. Naghihilom na ang mga sugat ni Marites, ngunit nailigtas ba ang anak niyang noo’y nasa kanyang sinapupunan?

Ibang klaseng pang-aabuso naman ang natakasan ni “Nathan” mula sa kanyang ama na mada­las ay kinakagat daw ang kanyang ari at pinapatu­ngan pa siya. Sa ngayon, bagama’t sariwa pa rin sa nanay ng biktima ang mga pangyayari, pinipilit niyang maging matatag para sa anak.

Isang nanay na may tatlong anak na may sakit sa isip naman mula sa Leyte ang nasaklolohan sa tulong ng Lingkod Kapamilya. Nalamang may sakit na bipolar disorder ang isa sa kanila, habang schizophrenia naman ang sa dalawa pa. Ano na kaya ang kalagayan ng magkakapatid matapos ng dalawang buwang pagpapagamot?

Samantala, babalikan ni Karen Da­vila ngayong Martes, (Hulyo 9) ang da­lawang kaso o hidwaang naitampok sa Engkwentro na pawang nasolus­yunan na: ang isang maperwis­yong ba­buyan at lama­ngan sa pamamasada ng pedicab.

Tutukan ang Engkwentro ngayong Martes, (Hulyo 9) at ang Saklolo nga­yong Miyerkules (Hulyo 10), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

 

vuukle comment

ALEX

DOMINIC ALMELOR

ENGKWENTRO

HULYO

KAPAMILYA GOLD

KAREN DA

LINGKOD KAPAMILYA

MAAN MACAPAGAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with