Ejay at Arjo, binuhay ang dugo ng fans!
MANILA, Philippines - Umapaw ang kilig at napuno ng tilian ang special mall show kamakailan ng Dugong Buhay sa Robinson’s Place Dasmariñas, Cavite na pinangunahan ng Kapamilya Gold hunks na sina Ejay Falcon at Arjo Atayde. At dahil sa init ng suporta ng kanilang fans, patuloy ang pagdayo ng cast ng hit afternoon teleserye ng ABS-CBN sa iba’t ibang malls sa bansa. Sa katunayan, may panibagong mall show ang Dugong Buhay stars sa Hulyo 14 (Linggo), 5pm, sa SM Center Molino, Cavite. I-enjoy ang weekend at isama ang buong pamilya sa libreng mall show tampok sina Ejay, Arjo, Yam Concepcion, Jed Montero, Ketchup Eusebio, Lito Pimentel, Ronnie Quizon, Christian Vasquez, at Sunshine Cruz. Samantala, patuloy na tutukan ang mas gumaganda pang kuwento ng naiibang laban ni Victor (Ejay) sa Dugong Buhay araw-araw, tuwing 3:25 ng hapon, pagkatapos ng My Little Juan sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
- Latest