^

PSN Showbiz

Franchised reality contest kanselado agad hindi pa nagsisimula, host na kinuha galing abroad bayad na kahit walang ginawa

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi natuloy ang pagpapalabas ng isang franchised reality contest dahil nagkaroon ng problema sa budget ang network na pagpapalabasan nito. Bukod pala sa naibayad na nila for the franchise, ang dami pa pala nilang kailangang bayaran pa. May specific standards kasi ang naturang show na sinusunod ng ilang bansa na nag-franchise rin nito.

Kaya ang dapat na premyo nang mananalo ay dapat kasing laki ng mga ibinibigay nila. Aabot nga ng milyun-milyon ang babayaran ng network bago nila maiere ang naturang show.

Kaya nagdesisyon nga ang network na kanselahin na ang naturang show kahit na malaki na ang nagastos nila para sa publicity, pictorials, at pagbayad ng talent fees sa mga kasama sa show.

Kesa nga naman malugi sila ng mas malaki pa, minabuti na lang nilang kanselahin na lang habang hindi pa ito nagiging sakit ng ulo at bulsa nila.

Ang nakakalungkot lang ay ang efforts ng ilang mga nag-audition na. Marami-rami na ang excited para sa naturang show pero biglang pinatigil ang auditions at sinabing kanselado na ang show.

Ang nanghinayang ng husto ay ang kinuha nilang host ng show dahil iniwan nito ang kanyang magandang trabaho sa ibang bansa dahil sa offer na gawin ang show. ’Yun pala ay hindi pa man nagsisimula, kanselado na.

Mabuti na lang at malaki-laki ang talent fee na ibinigay sa kanya kaya kahit paano ay hindi rin siya lugi. Bayad siya for the three-month contract na pinirmahan niya for the show. Kaya parang binayaran siya na walang siyang ginawa.                                                                                         

vuukle comment

AABOT

BAYAD

BUKOD

KAYA

KESA

MARAMI

NILA

SHOW

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with