Restoration ng Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, naging mabusisi!
Ipalalabas sa selected SM cinemas ang restored copy ng klasikong pelikula na Maynila sa mga Kuko ng Liwanag na nagkaroon ng premiere sa Cine Adarna, UP Film Center last Saturday night.
Nauna na itong nagkaroon ng world premiere sa 67th Cannes Film Festival (Classic Section).
Ang nasabing restoration ay collaborative effort ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Mr. Briccio Santos, Martin Scorsese’s World Cinema Foundation (WCF), at L’Immagine Ritrovata, ang isa sa mga leading film restoration sa buong mundo.
Ang pelikulang ito ang nagpasikat kina Bembol Roco at Hilda Koronel.
Kuwento ang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag nina Julio (Bembol) at Ligaya (Hilda) na magkarelasyon sa probinsiya pero may ambisyon ang nanay ni Ligaya na umasenso kaya nang may pumuntang isang nagngangaÂlang Mrs. Cruz sa kanilang probinsiya na nagre-recruit ng mga babaeng dadalhin sa Maynila para bigyan ng trabaho at pag-aaralin daw, sumama si Ligaya kahit ayaw niya at ni Julio.
Kaso hindi sumusulat si Ligaya kaya naisipan ni Julio na sundan ang karelasyon sa Maynila para hanapin.
Marami siyang dadaanang pagsubok sa paghahanap kay Ligaya. Mga problemang hanggang ngayon ay problema ng ating lipunan.
Taong 1975 pa ipinalabas sa mga sinehan ang obrang ito nang namayapa nang si Direk Lino Brocka pero ang mga problemang tinalakay, nangyayari at problema pa rin ng ating bayan hanggang sa kasalukuyan.
Nakakalungkot ang ending kaya dapat ninyong panoorin.
Ito rin ang pelikulang pilit na kinokopya ng maraming indie film directors sa kasalukuyan pero hindi matulad-tularan.
Natural ang mga character at acting dito nina Bembol at Hilda at I swear sa dinami-rami ng mga artista natin ngayon, wala pang nagpakita ng kapantay na galing nila.
Ibang-iba rin ’pag Lino Brocka movie dahil dito ’pag bagong giÂsing ang hitsura ng character, bagong gising talaga. Sa mga pelikula kasi ngayon, lahat maganda at mga naka-makeup kahit natutulog at bagong gising — mapa-mainstream o indie film.
Kasama rin sa Maynila sa mga Kuko ng Liwanag si Mr. Tommy Abuel. Sa cinematography ay si Mr. Mike de Leon na isang kilala ring magaling na director.
Bago naging pelikula, sinubaybayan muna ito sa Liwayway magazine from 1966 to 67 na sinulat ni Edgardo Reyes. Ang screenplay ay si Clodualdo del Mundo, Jr.
At kinunan ang pelikula sa actual locations around the vicinity of Manila.
Marami itong napanalunang award – Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Actor, and Best Supporting Actress -— sa 1976 FAMAS awards.
At isa rin ito sa mga iilang Filipino film na consistently places sa world’s Top 100 films of all time. At ito lang din ang only film from the Philippines na pumasok sa listahan ng librong 1001 Movies You Must See Before You Die.
Naganap ang restoration ng Maynila sa mga Kuko ng Liwanag through the use of the original camera and sound negative donated by Pierre Ressient, on behalf of Cinema Artists Philippines, to the BFI National Archive since the late 1970s and preserved since then. At ang state of conservation ng negatives ay napaka-critical, according to FDCP.
Hindi madali ang proseso. The negative was wet-scanned at 4k resolution. The digital resolution was a long and painstaking work due to the great number of issues that affected the negative: Tears, scratches, warping, visible marks and halos.
“Color decay was very strong, so the work of grading made use of a reference print that had been validated by the film’s director of photography. Mike de Leon, who has attentively followed the grading phase himself, giving invaluable suggestions,†dagdag na background sa information na ibinigay ng FDCP.
Ang ginastos sa maselang restoration ay provided through the coordination work between the WCF and the FDCP with the National Film Archives of the Philippines.
The restoration was carried out by Cineteca di Bologna/ L’Immagine Rotrovata laboratory at natapos lang noong May 2013.
Mahirap ang naging proseso para muling mapanood ang pelikulang ito na iiyak at mapapaisip ka ’pag pinapanood mo.
Kaya naman ang resulta parang bagong, bagong gawa.
Present sa ginanap na premiere noong Sabado si Mr. Bembol at iba pang mga taong bahagi na nito.
Kaya sana ay ’wag nating palampasin dahil bibihira ang ganitong chance.
May subtitle na ito.
Singer hindi na ‘makabasa’ na walang flashlight
Kahit mas bata at sexy ang karelasyon ng isang singer, hindi na maitago ang edad nito. Nang minsang nagmi-midnight snack sila sa isang restaurant sa Quezon City ng girlfriend, nang mag-o-order na sila ay kailangan pang maglabas ng flashlight ng singer para mabasa ang menu. Flashlight lang naman sa cell phone.
Halos kalahati lang ng singer ang edad ng kanyang karelasyon ngayon na isa ring aspiring singer.
- Latest