Mananalo sa PhilPop tatanggap ng P1 M
MANILA, Philippines - Papalapit na ang PhilPop 2013 songwriting competition finals. Mula sa 3,383 songs na pinagpilian sa buong bansa kasama na pati sa ibang bansa ay isang dosenang kanta lamang ang nakapasa sa panlasa ng mga hurado kaya feeling nanalo na rin ang kanilang batch.
Ang finals night na gaganapin sa July 20 (Sabado), 7 p.m., sa Meralco Theater sa Ortigas, Pasig City ay isang enggrandeng musical affair na pagsaÂsaluhan ng star performers at mga musikero. Ang mga malalaking personalidad sa music industry na makikila na lang sa gabi ng parangal ang mga nakatokang mamamahala sa pagpili ng pinaka-angat na komposisyon. Ang labindalawang kanta, songwriters, at interpreters ay ang sumusunod:
Araw, Ulap, Langit, Marlon Barnuevo (words and music); Christian Bautista (performer/interpreter)
Askal, Ganny Brown; Jose Manalo at Wally Bayola
Dati, Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana; Sam Concepcion, Tippy Dos Santos featuring Quest
Kung ‘Di Man, Johnoy Danao; Ney Dimaculangan
Pansamantagal, Jungee Marcelo; Sitti Navarro at Julianne Tarroja
Papel, Joey Ayala; Joey Ayala at Gloc-9 featuring Denise Barbacena
Sana Pinatay Mo Na Lang Ako, Myrus Apacible; Kimpoy Feliciano
Sa ‘Yo Na Lang Ako, Lara Maigue; Karylle
Segundo, Paul Armesin; Yael Yuzon ng SpongeCola
Sometimes That Happens, Adrienne SarÂmiento-Buenaventura, Nino Regalado; Ace Libre ng Never the Strangers
Space, Raffy Calicdan; Banda ni Kleggy at Kean Cipriano ng Callalily
Time Machine, Kennard Faraon; Six Part Invention
Isa lang ang masuwerteng mag-uuwi ng P1 million pesos at isang limited edition na Ramon Orlina glass trophy. Ang first at second runners-up ay tatanggap din ng Ramon Orlina trophy at P500,000 at P250,000, respectively. May dalawa ring special awards — Smart People’s Choice (base sa text votes) at Meralco (sa may pinakamagandang values sa kanta) — na mabibigyan din ng tropeo at tig-P100,000.
“Nation building has become an integral part of our mission as a business,†sabi ng chairman ng PhilPop na si Manuel V. Pangilinan. “In our society today, there has been a detectable need to initiate an undertaking as significant as PhilPop, to remind people where our music would and should be headed.â€
Lady Boss bibisita sa Iloilo
Isang kapana-panabik na sorpresa ang naghihintay ngayong Linggo, July 7, para sa mga Ilonggo dahil ang Lady Boss mismo ay bibisita sa kanyang fans. Ang lead actress na si Marian Rivera ng My Lady Boss, ang pinakabagong romantic comedy movie mula sa GMA Films at Regal Films, at ang tinaguriang sexiest woman sa bansa ayon sa isang men’s magazine, ay pupunta sa City of Love upang personal na makisaya sa kaniyang fans.
Simula 4:00 pm, nasa Robinson’s Place sa Iloilo si Marian para sa isang Kapuso Fans’ Day kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga ng aktres na makita siya nang malapitan at sumali sa mga inihandang fun at exciting activities at games para sa kanila.
Kabilang sa friendly comÂpetition para sa fans ay ang Marian Rivera look-alike search, ang dance showdown na magpapakita ng pinakamahuhusay na Marian dance moves, isang act-like-Marian RiveÂra challenge, at ang contest para mahanap ang piÂnaÂka-unique na memorabilia/fan collection nila ni MaÂrian. LaÂhat ng mananalo ay magkakaroon ng exÂclusive photo op kasama ang idolo.
The Voice at My Husband… inispoof sa Loko…
Hindi magpapa-awat ang Lokomoko U gang sa paggawa ng spoofs na tiyak na aabangan ngayong Linggo sa TV5.
Haharap sa matinding pagsubok ang buong cast dahil kailangan nilang patawanin si Leah (Tuesday Vargas) at Apple (Long Mejia) sa The Jokes of the Philippines. Kapag hindi magustuhan ang jokes, makakatikim naman sila ng masarap na pie ni Apple.
Nandiyan din ang teledramang iniiwasan pag-uÂsapan, ang My Husband’s Robber, na kinatatampukan nina Edgar Allan Guzman, Alwyn Uytingco, at Valeen Montenegro.
Magkakaproblema din si Dude (Empoy), dahil hindi siya makakapag Dude Da Moves, dahil may bumabara na sa kanyang mga Da Moves. Sino itong babae, at bakit hindi siya na-in-love sa matatamis na salita ni Dude, ‘yan ang kailangan n’yong malaman.
Special guests this week sina Ritz Azul at Benjie Paras. Ang Lokomoko U ay mapapanood tuwing Linggo, 1130 a.m sa TV5.
- Latest