^

PSN Showbiz

Yul pumayag maghubad kahit Councilor na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mga taga-GMA News ang maglalaban sa Celebrity Bluff para sa kalahating milyong piso.

Sino kina Suzi Entrata, Love Añover, at Susan Enriquez ang magwawagi at aabot sa jackpot?

Si Brod Pete ang kasama nina Jose Manalo at Wally Bayola na uupo sa Gangnammm at makipagkulitan kay Eugene Domingo.

PAK: Mapangahas naman ang karamihang mga pelikulang kasali sa Cinemalaya Independent Film Festival na magsisimula na sa July 26.

Isa sa pinag-uusapan na ngayon ay ang pelikulang Porno na entry ni Direk Adolf Alix, Jr.

Isa sa kasali rito at lumaban sa hubaran ay si Yul Servo na hindi raw kinaya ng plaster ang pantakip sa harap niya dahil laging nagpupumiglas kaya natatanggal ang plaster.

Kaya ang ending, medyas na lang ang itinakip sa kanya. Kaya lang lagi naman daw nahuhulog kaya ewan ko kung makita ito sa pelikula.

Matatanggap kaya ng mga constituent ni Yul sa first district ng Maynila ang napaka-daring na pelikulang ito ng actor-politician?

BOOM: Iniiwasan pa rin ni Raymart Santiago ang napapabalitang inaayos na ng ilang taong malapit sa kanya ang annulment na malapit na niyang i-file.

Pero ayaw namang sagutin ni Raymart ang tungkol dito at si Claudine Barretto naman ay tila naka-focus lang sa mga anak nila base sa mga ipino-post nito sa kanyang Instagram account.

Ayon sa aming source, nasa isang condo na nakatira si Raymart at mukhang malabo na raw makipagbalikan.

Ilang beses na naming kinukulit ang aktor na magkomento tungkol dito pero ayaw talaga niyang magsalita.

 

CELEBRITY BLUFF

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CLAUDINE BARRETTO

DIREK ADOLF ALIX

EUGENE DOMINGO

ISA

JOSE MANALO

KAYA

LOVE A

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with