^

PSN Showbiz

Yeng ibang klaseng saya ang naramdaman nang magka-dyowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon na ng kasintahan si Yeng Constantino. Kamakailan ay inamin ng singer sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram na karelasyon na niya ang nonshowbiz guy na si Victor Asuncion.

“Sobrang masaya po ako. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng saya. Para akong nasa cloud nine. Sobrang iba talaga ang feeling. Mas lalong inspired ka to be just excellent in everything you do. Sobrang blessing siya sa akin,” nakangiting pagtatapat ni Yeng.

Mag-iisang buwan pa lamang sina Yeng at Victor dahil June 18 naging opisyal ang kanilang relasyon.

“Kaibigan ko siya since last year. Nagkakilala lang kami through a friend, nakaka-hangout. He decided to pursue me last year. Medyo may gap na hindi nagkita nang matagal. And then when we saw each other again, parang, ‘Ay! Ito na ’yun.’ Feeling ko ito na ’yun,” kuwento ng singer.

“Parang natanggal ang fear ko na ibigay ’yung oo ko, naramdaman ko na secure ako sa kanya. Ito ’yung reward of really waiting on God. Worth it lahat nang iniiyak ko dati na, ‘Lord, naiinip na ako, gusto ko na magka-boyfriend.’ Ay! Kaya pala ako pinaghintay. Meron palang one na makikita mo na hindi lang basta kilig. Kinikilig naman ako before pero iba ’yung joy na nararamdaman ko ngayon,” dagdag pa niya.

Tanggap daw ng buong pamilya ni Yeng ang kanyang kasintahan. Pinapayuhan din ang singer ng kanyang mga magulang pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Nagpunta siya sa bahay. Tanggap naman nila ’yung boyfriend ko. Masaya sina Papa at Mama para sa akin. Basta ang sabi lang nila, ‘Anak, ingatan mo sarili mo.’ Siyempre alam naman nila na kritikal ’yung ganyang stage, kapag may magawa ka mang mali, magiging domino effect.

“Sobrang grateful ako na pinaaalalahanan ako ng magulang ko na mag-ingat sa ginagawa ko,” pagtatapos ng dalaga.

Katulad ni Yeng ay ngayon lamang din nagkaroon ng karelasyon ang kanyang boyfriend.

Daniel aminadong maangas

Kamakailan ay napabalitang lasing diumano si Daniel Padilla habang nagpe-perform sa isang show kasama ang kanyang banda. Agad namang nilinaw ng binata ang isyung ito.

“Sabi ko nga hindi ako lasenggero. Astig, lasing daw ako, parang rock star. Kahit kathang isip, parang rock star na rock star. ’Yung mga banda ginagawa ’yun pero hindi ko naman gagawin ’yun. Ba’t naman ako mapipikon? Hindi naman totoo,” paglilinaw ni Daniel.

Hindi na raw bago para sa binata ang mga bintang na ibinabato sa kanya katulad na rin ng mga nagsasabing naging maangas o mayabang na ang young actor.

“Okay lang. Totoo naman yata ’yung maangas. Hindi naman ako maangas masyado. Ang bait-bait ko nga eh,” natatawang pag-amin ni Daniel.

“May mga nagagawa naman akong hindi nagagawa nila. bawian lang naman ’yun ’di ba? So, kung ayaw nila i-handle ng magandang way, i-handle mo siya sa ibang way,” paliwanag ng binata. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO

DANIEL PADILLA

KAMAKAILAN

NAMAN

SOBRANG

TANGGAP

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with