^

PSN Showbiz

‘Relasyon’ nina Vice Ganda at Coco matagal na

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang hindi nakakaalam sa friendship nina Vice Ganda at Coco Martin. Nagsimula ang pagkakaibigan nila nung hindi pa sila parehong sikat na artista. “Hindi showbiz ang pagkakaibigan namin kaya hindi namin ipinagsasabi,” bungad ni Vice nang pasyalan siya ng ilang entertainment writers sa unang pagsalang niya sa programang Juan dela Cruz. Kahit medyo hirap ito dahil naka-costume at make-up na siya na matagal inabot bago mailagay sa kanya, nagpaunlak ito ng isang maikling interview.

“Matagal na kaming magkaibigan ni Coco,” panimula ng komedyante na umaming okay na sila ng aktor. Matagal din silang nagkatampuhan dahil kahit anong pilit niya ay ayaw nitong mag-guest sa kanyang programang Gandang Gabi Vice (GGV). “Pero sa iba naggi-guest siya, kaya nagtampo ako,” anang komedyante.

“Hindi kami madalas mag-usap lalo na ngayong pareho kaming bisi, pero nung bago pa niya gawin ang Masahista ay talagang walang oras na hindi kami nag-uusap. Pero bago kayo mag-isip ng masama wala akong pagnanasa kay Coco, sa kapatid niyang si Ryan ako naging interesado. Kilala ko lahat ng pamilya niya. Madalas siyang manood ng gig ko at alam niya talaga ang takbo ng buhay ko. Kung sinong mga lalaki ang dumaan sa buhay ko. Siya nga ang dahilan kung bakit marami sa kanila ang nawala. Akala kasi niya ay peperahan lang nila ako, kaya siniraan niya ako sa kanila at sila sa akin. Na-remember ko na minsan ay sinabi niyang hindi ko kailangang maghanap ng taong mag-aalaga sa akin kapag tumanda ako, at wala na kami sa showbiz. Mga anak daw niya ang mag-aalaga sa akin. Open tala­ga ang love life ko sa kanya, pero siya napakamalihim. Hindi nga lang niya naitago lahat sa akin, marami rin akong natuklasan.

“Gaya ni Julia (Montes). Feeling ko nagka-MU-han sila. Magkasama ba kayo araw-araw, meron at merong madi-develop.

“Kahit bihira na kaming magkita’t magkausap ngayon, hindi matitinag ang friendship namin. ‘Di siya pangkaraniwang kaibigang lalaki, pero straight siya at mahal ako.

“Marami kaming pagkakatulad sa buhay. Halos sabay kaming nagsimula ng aming career, at pareho kaming mahirap. Sabay din kaming ngumanga at nag-succeed. Alam naming pareho kung saan kami nanggagaling. Masaya siya nang malaman na makakasama ako sa teleserye niya bilang Santana, ang reyna ng mga tikbalang. Una at huli kaming nagkasama sa indie film na Noy,” imporma ng komedyante na proud dahil hindi raw putso-putsong fantasy, her words not mine, ang nasalihan niya at dahilan sa character niya  ay lalabas ang latigo ng katarungan.

Sa Lunes, July 8, ang simula ng character niya sa Juan dela Cruz.

Kagagaling lang ni Vice mula sa Hawaii kasama ang tropa ng It’s Showtime. “Parang naglaro lang kami dun ng may bayad,” pagmamalaki niya.

“After my contract expired in December, akala ko titigil na ako. Nakakaramdam na kasi ako ng pagod but I realize, baka ma-bore rin ako kapag wala akong ginagawa kaya I decided na magbawas na lang ako ng trabaho. Pero hindi ako bibitaw sa TV, sa pelikula lang. Hindi ako puwede sa soap, hindi ko kakayanin. Ngayon lang, dito sa Juan dela Cruz, pero as guest lang. Gusto kong bumalik sa comedy bar,” pagtatapos niya.

Daniel may pakiusap sa mga gustong manligaw kay Kathryn

Sana hindi masira ang expectation ni Daniel Padilla na igagalang ng mga kalalakihang magkakaroon ng interes kay Kathryn Bernardo ang pagiging una niya sa ka-love team at hindi nila ito liligawan habang wala pa siya sa panahong ligawan ito. “Pag puwede na kahit sabay-sabay pa kami, pero  huwag naman ngayong hindi pa ako puwede,” pakiusap ng young actor. 

May bagong teleserye ang dalawa sa ABS-CBN, ang Got To Believe, na ipapalabas ngayong July.

Charice nataranta sa mga tanong ni Kris

Sino ang makapagsasabi, baka malaki ang maitulong ni Charice para sumikat ang girlftrend niyang si Alyssa bilang singer dito at maging sa ibang bansa rin. Nag-duet silang dalawa sa Kris TV nang pasyalan ng host ng programa ang napaka-controversial na international singer sa tinutuluyan nitong bahay ng kanyang manager at kahit acapella, magandang lumabas ang duweto nila. Obvious na in love na in love ang dalawa at hindi lang si Kris Aquino ang nakapansin nito kundi ang kasama niyang si Angeline Quinto na nakakalaban nun ni Charice sa mga singing contest. Maraming mga itinanong si Kris kay Charice na halata mong ikinabahala nito, tulad ng kung iniwan niyang financially stable ang pamilya niya na hindi nasagot ng maayos ni Charice. Let us just hope na may magawang mabuti ang kanyang manager para maayos ang gulo ng pamil­ya at makaalis sila ng mapayapa patungong US para maipagpatuloy ni Charice ang kanyang trabaho.

Ikaapat na Ana, peke

All’s well para sa magkakaibigang Anna, Karen, at Nina. Peke ‘yung ika-apat na Anna Karenina na nagpakilala sa pangalang Angel.

Tampok sa Anna Karenina sina Krystal Reyes, Barbie  Forteza, at Joyce Ching. Si Thea Tolentino ang nagpakilalang ika-apat na Anna Karenina na si Angel.

AKO

ANNA KARENINA

CHARICE

CRUZ

KAMING

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with