^

PSN Showbiz

Mga reklamo sa batas kasambahay, hihimayin ni Ted

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ngayong Sabado (Hulyo 6) ang mga reklamo ng emplo­yers sa kakapatupad pa lamang na Kasambahay Law sa Failon Ngayon.

Daing ng mga amo, magulo umano ang sistema ng pagpaparehistro sa SSS, PAG-IBIG at PhilHealth para sa benebisyo ng mga kasambahay. Dagdag pasanin din ang obligasyon nilang bayaran ang SSS contributions ng mga ito simula sa buwan na nanilbihan ito sa kanila. 

Tulad na lamang ni Imelda del Carmen na may dalawang kasambahay at dalawang taon nang naninilbihan sa kanya. Kaya naman aabot sa halos P20,000 ang bayarin ni Imelda sa SSS para sa contributions ng mga ito mula sa suweldo nilang P3,500 kada buwan. 

Tatalakayin din ang pagkahilig ng mga Pili­pino sa Social Networking Sites dahilan para ban­sagan ang Pilipinas bilang Social Net­­wor­king Capital of the World. Maging ang kinababaliwang mobile game na Candy Crush ay hihimayin din.

CANDY CRUSH

CAPITAL OF THE WORLD

DAGDAG

FAILON NGAYON

IMELDA

KASAMBAHAY LAW

SOCIAL NET

SOCIAL NETWORKING SITES

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with