Kahit mga kaibigang dumadalaw hindi nagsasalita: Sakit ni BB ipinaglilihim
Naka-confine pa rin sa isang undisclosed hospital si BB Gandanghari. Palaisipan sa supporters ni BB ang tunay na karamdaman nito na hindi rin naman sinasabi ng mga friends niya na dumalaw sa kanya.
Next month pa ang show nina BB at John Lapus sa Music Museum, ang Beauty and the Sweet, kaya may time pa siya na magpagaling at magpahinga. Rated SPG ang Beauty and the Sweet. SPG meaning Super Pa-Girl ang showdown nina BB at John.
Dyowa ni Charice umeeksena na
Hindi rin nakatiis si Alyssa Quijano dahil nagsalita siya kahapon sa morning show ni Kris Aquino tungkol sa girl-to-girl relationship nila ni Charice.
Hindi dapat paniwalaan ang mga pralala na pinoprotektahan ni Charice si Alyssa kaya hindi ito nagpapainterbyu dahil kung totoo ito ay hindi sana sumasama si Alyssa sa mga TV guesting ng kanyang dyowa.
Singer din si Alyssa kaya imposible na hindi ito nangangarap na darating ang araw na magkakaroon din siya ng singing career. Hindi puwedeng forever na nasa anino siya ni Charice, lalo na ang kagaya niya na beterana na sa pagsali sa mga amateur singing contest, ’di ba Mama Raquel?
Alyssa Quijano kamukhang-kamukha ng nanay ni Charice
Teka, parang hindi naman matutuwa si Raquel sa mga sinasabi ng tao na kamukha niya si Alyssa.
Hindi yata karangalan para kay Raquel ang sabihin na mas mapagkakamalan na anak niya si Alyssa kesa kay Charice.
Hindi ba may matandang kasabihan na ang mga babae na kamukha at kaugali ng kanilang mga ina ang nagugustuhan ng mga anak na lalaki? Sa kaso ni Charice, baka nga si Alyssa ang nagustuhan niya at napili na maging dyowa dahil ka-face value ni Raquel ang kanyang girlfriend.
Sen. Sonny Angara tumupad sa pangako
Na-miss ko kahapon ang victory at thanksgiving party ni Sen. Sonny Angara para sa entertainment press pero alam ko ang mga kaganapan dahil updated ako sa balita, kesehodang rumarampa ako sa ibang lugar.
Congrats kay Papa Sonny na marunong tumupad sa kanyang promise! Hindi siya katulad ng ibang mga pulitiko na maraming pangako noong panahon ng kampanya pero missing in action nang mahalal sila.
Makakaasa si Papa Sonny ng suporta mula sa entertainment press na lalong humanga sa kanya dahil pinatunayan niya ang pagkakaroon ng isang salita. Wish ko lang, tularan si Papa Sonny ng ibang mga pulitiko na kilala lamang ang entertainment press tuwing panahon ng kampanya at eleksiyon.
Chaka serye extended
Kung kailan malapit nang matapos ang Mundo Mo’y Akin, saka lalong tumaas ang ratings ng primetime show ng GMA 7.
Mabuti na lang, mabilis na nagdesisyon ang Kapuso Network management na bigyan ng extension ang teleserye na binansagan na chaka serye dahil pinapangit ang mga mukha nina Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, at Louise delos Reyes.
Sa totoo lang, nakatulong ang My Husband’s Lover sa bonggang ratings ng Mundo Mo’y Akin. Inaabangan ang beki serye ng GMA 7 at sa pag-aabang ng televiewers, na-discover nila na maganda ang kuwento at magagaling umarte ang mga artista ng Mundo Mo’y Akin na extended hanggang July 26.
- Latest