^

PSN Showbiz

Cast ng ‘Annaliza,’ pinasaya ang mga batang taga-Navotas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang thanksgiving outreach program ang idinaos kamakailan ng cast ng ABS-CBN top-rating family drama na Annaliza sa Barangay NBBS, Na­votas City. Pinangunahan ng rising teleserye prin­cess na si Andrea Brillantes, kasama ang iba pang child stars ng soap na sina Kyline Alcantara, Jil­lian Aguila, John Vincent Servilla, Dale Baldillo, at Rein Tolentino, ang pamimigay ng school materials tulad ng textbooks sa mga bata roon. Sabay-sabay din silang nagsalu-salo para sa isang simpleng mer­yenda. Game na game rin silang su­mayaw kasama ang piling bata sa pagtitipon, habang magkahiwalay na song numbers naman ang ini­handog ni Andrea at ng ate niya sa teleserye na si Kyline.

Layunin ng event na dinaluhan ng humigit-kumulang sa 300 residente ng barangay ang magpasalamat sa mga taong walang sawang sumusu­bay­bay sa Annaliza lalo na sa mga taga-Navotas kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena ng pilot week ng soap. Hindi pa rito nagtatapos ang pagtulong ng Annaliza dahil mga batang may ka­ram­daman at mga batang inabuso mula sa mga insti­tusyon ang susunod na bibisitahin at papasaya­hin ng cast. Huwag palalampasin ang Annaliza ga­bi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

ANDREA BRILLANTES

ANNALIZA

DALE BALDILLO

JOHN VINCENT SERVILLA

KYLINE ALCANTARA

PRIMETIME BIDA

REIN TOLENTINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with