AiAi present sa gay parade sa Amerika, serye nina Jericho at Angel halos kapareho ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin!
SEEN: Ang pasasalamat ni Baron Geisler sa mga nagpahayag ng suporta sa kanya, bunga ng pagkatalo niya sa kaso ng acts of lasciviousness na isinampa ni Patrizha Martinez, ang anak nina William Martinez at Yayo Aguila.
SCENE: Tumagal ng limang taon ang pagdinig sa kaso na isinampa ni Patrizha Martinez laban kay Baron Geisler. Mabilis ang paglabas ng desisyon ng korte sa Martinez-Geisler case kung ikukumpara sa ibang mga kaso na tumatagal ng mahigit pa sa limang taon.
SEEN: Hanggang Kailan Kita Mamahalin ang pamagat ng teleserye sa ABS-CBN nina Jericho Rosales, Maja Salvador, at Angel Locsin na dapat palitan dahil sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ang upcoming teleserÂye ni Gerald Anderson sa Kapamilya Network.
SCENE : Tapos na ang pagiging Foundation Day King ni Tom Rodriguez dahil hindi na makapal ang kanyang foundation sa mukha sa mga eksena niya sa My Husband’s Lover.
SEEN: Naririnig sa TV ang nagdidikta kay Ryzza Mae Dizon ng mga sasabihin nito sa The Ryzza Mae Show. Dapat hinaan ng coach ni Ryzza ang kanyang boses.
SCENE: Hindi dapat masaktan ang informal settlers at ang mga militanteng grupo na sumusuporta sa kanila sa mga rebelasyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa mga professional squatter dahil may katotohanan ito. Umaabuso na ang informal settlers na binibigyan ng mga militanteng grupo ng ilusyon at maling pag-asa.
SEEN: Si AiAi delas Alas at ang kanyang tatlong anak sa Gay Pride Parade sa San Francisco, California. Nanood lamang ang pamilya ni AiAi, hindi sila kasali sa parada.
SCENE: Bumalik sa Pilipinas si Cloie Syquia para i-pursue ang kanyang ambisyon na maging commercial model at artista.
- Latest