^

PSN Showbiz

Sam seryoso na kay Jasmine­

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Marami ang kinikilig sa sweetness nina Sam Con­cepcion at Jasmine Curtis Smith. Hindi na ma­itago ang kung anumang namamagitan sa kanila ngayon. Ang surprisingly, parang tanggap ng lahat ang kanilang relasyon. Happy sila sa dalawa at sa pangyayaring bagay ang dalawa. Marami ang bilib kay Sam dahil kahit taga-ibang istasyon si Jasmine ay nagawa pa rin niya itong i-pursue.

O kita n’yo na nga ang nagagawa ng determinas­yon.  Let’s all hope na makahanap ang dalawa ng ins­pirasyon sa isa’t isa at tumagal ang kanilang relasyon.

Julie Anne gaya-gaya sa title ni Sarah

Ay mukhang may bagong aawayin ang mga ta­ga­­hanga ni Sarah Geronimo na Popsters. Si Julie Anne San Jose na may kapareho ring tagu­ring Pop Princess. Eh si Sarah nga naman ang unang gumamit ng titulo, bakit pa nila gagamitin ito? Tanong ko naman, ipinarehistro ba naman nila ito? Kung hindi marami pa ang puwedeng gumamit ng titulo, hindi nila exclusive. Bakit kaya hindi ginamit ng kampo ni Julie Anne ang The Other Pop Princess, sana wala pang aasahang away pa.

Mga anak ni Kris, kumikita na rin sa pagiging endorser

Ang daming nagri-react dahil product endorser na rin ang mga anak ni Kris Aquino. Eh ano ba ang magagawa nila kung gusto ng mga gumagawa ng mga produkto na ang mag-iina ang gawing endorser. Baka nga naman malakas humatak ng tao ang mga ito? Eh, marami namang mapagpipilian but the fact na kinuha nila ang dalawang anak ng presidential sister ay indikasyon na naniniwala sila na magagawang ibenta ng dalawang bata ang kanilang produkto. Maghintay na lang sila dahil kung hindi epektibo sina Josh at Bimby ay sasandali lamang silang magiging endorser, pero kung effective rin silang katulad ni Kris, taon din ang bibilangin bago sila mapalitan.

JASMINE CURTIS SMITH

JULIE ANNE

KRIS AQUINO

MARAMI

OTHER POP PRINCESS

POP PRINCESS

SAM CON

SARAH GERONIMO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with