Rihanna lookalike, taxi driver magbabakasakali kina Lea at Sarah
MANILA, Philippines - Buong sambayanan ay nakatutok na at nakaabang linggu-linggo sa top-rating at laging Twitter-trenÂding na singing-reality show kung saan pangarap ang puhunan at boses ang labanan, ang The Voice of the Philippines. Mag-ala coach ngayong Lunggo (June 30) at pakingÂgan kung papasa sa inyo ang mga artist na sasalang sa Blind Auditions na kinabibilangan ng isang ka-lookalike ng international star na si Rihanna, daÂting anorexic at voice talent sa likod ng isang sikat na fast food brand, at isang taxi driver.
Kaabang-abang din ang isang artist na makikiÂpag-duet kay coach Lea Salonga ng awiting On My Own na mula sa Broadway musical na Les MiÂseÂrables kung saan kalahok ang Broadway Diva, at isa pang artist na makakaantig sa puso ng coach na si apl.de.ap at magpapaluha kay coach Sarah Geronimo. Sino kaya sa kanila ang papasok? Kaninong teams ang madadagdagan ng miyembro? Huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng Blind Auditions ng The Voice of the Philippines ngayong Linggo, 8:15 p.m., sa ABS-CBN.
Mag-log on sa www.thevoice.abs-cbn.com para sa pinakasariwang news at updates sa programa at para makita ang ekslusibong profiles at performance videos ng artists. I-like rin ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook, i-follow ang @theÂvoiceabscbn sa Twitter o i-follow ang abscbntheÂvoice sa Instagram. I-tweet ang iyong mga opinyon sa show gamit ang hashtag na #TheVoiceofthePhiÂlippines.
- Latest