Daiana patung-patong na ang problema!
Eto na naman ako sa aking pakikisimpatiya kay Daiana Menezes. Hindi pa man humuhupa ang isyu sa pagkakagalit nila ng kanyang asawang pulitiko ay heto na naman at may bago na naman siyang problema. Patung-patong na ang problema niya. Nabaril ang kanyang asawa. Kung walang ibang bumaril dito, ano ang nangyari?
Ayaw kong paniwalaan ang iniisip ko dahil baka magkasala ako. Pero kung ganun ang sitwasyong lumalabas, may problema na naman ang bagong kasal na modelo.
Marian matagal nang seksi
Para namang napaka-big deal na ’yung pagkakapili kay Marian Rivera bilang sexiest Pinay. Hindi naman first time niyang napanalunan ito kaya tanggap nang sexy siya. Marimar days pa lamang ay tanggap ng sexy siya.
Sa maraming tao nga, wala ang kaseksihan sa ganda ng katawan. Kahit patpatin ang isang babae ay puwede siyang maging sexy. Kahit din siya mataba. Nasa attitude ’yung pagiging sexy ng isang tao at sa pagkilos.
Ako, naseseksihan sa mga babaeng matalino o ’yung maraming alam at sinasabi. Pero hindi ibig sabihin na porke siya ang nanalo sa pakontes ng isang men’s mag ay hindi na seksi ang mga tinalo niya.
- Latest