^

PSN Showbiz

Pumapatak na naman ang ulan…

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Eto na naman ang tag-ulan, bagyo, at baha.  Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR-TNT) ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV, pag-uusapan ang tungkol sa panahon ng tag-ulan.

Dadalhin kayo ni Mader Ricky sa mga kainang ang espesyalidad ay mga pagkaing mainit o panangga sa ginaw. 

May safety and emergency tips na ibibigay sa mga manonood tungkol sa ano ang dapat gawin sa panahon ng baha at mga dapat na ihanda sa bahay kung walang kuryente o pagkaing dapat  imbakin sa panahong ‘di tayo makakalabas ng bahay.

May romantikong istorya na handog ang GRR TNT.  Ito’y tungkol sa isang kasal na sa kabila ng bagyo’y itinuloy pa rin at ang couple na ikinasal ay lumu­song papuntang simbahan at ang unang halik ay naganap habang basang-basa sila sa matinding patak ng ulan.

Bibigyan naman ng tribute ang isang 18 taong si Muelmar Magallanes ng Kyusi. Ibinuwis ng binata ang sariling buhay upang masagip ang mga kapitbahay na malulunod sana dahil ‘di marunong lumangoy.  Di malilimutan ang bagyong si Ondoy at lalong ‘di mabubura sa alaala ang bayaning si Muelmar, di ba?

BIBIGYAN

DADALHIN

ETO

IBINUWIS

KYUSI

MADER RICKY

MUELMAR MAGALLANES

SA GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with