Star Magic handa na sa malaking laban!
MANILA, Philippines - Isang malaking laban ang magaganap sa pagitan ng mga Star Magic artists sa kanilang taunang Star Magic Games na magaganap sa ika-30 ng Hunyo.
Apat na koponan (Red, Blue, Green, at Black) ang maglalaban-laban para sa adults at kids division ng basketball, volleyball, badminton, dodgeball, joust at fun games.
Ang mga pretty girls na sina Janella Salvador, Aaliyah Benisano, Alexa Ilacad, Erin Ocampo, Liza Soberano, Ingrid dela Paz, Jane Oineza at Julia Barretto ang front liners sa parade of colors.
Sina Piolo Pascual at Matteo Guidicelli ang maÂÂÂkikipaglaban sa kampo nina Neil Coleta, Sweet Lapus, at Aaron Villaflor para sa male badminton doubles samantalang sina Erich Gonzales, Jessy Mendiola at Angelica Panganiban naman para sa female badminton doubles.
Ang Black team ni Daniel Padilla at ang Red team naman ni Sam Concepcion ang siyang mangunguna para sa Junior basketball games. Sa main event ay ang sudden death sa pagitan ng Blue team ni Xian Lim, Rayver Cruz, Enrique Gil at Gerald Anderson at Green team ni Jason Abalos, Matt Evans, Ejay Falcon, Carlo Aquino at Zanjoe Marudo.
Ang Star Magic kids na sina Xyriel Manabat, Andrea Brillantes, Izzy Canillo, Bugoy Carino, Zaijan Jaranilla at marami pang iba ang magpapaÂsiklaban para sa 1k fun run at fun games.
Sa tulong at kooperasyon ng Jeepney Channel, ang ika-apat na Star Magic Games ay ikinukonsiderang pinakahihintay na event ng mga celebrities kung saan magkikita ang mga kaibigan at mga kasama sa industriya para sa isang araw ng kasiyahan.
- Latest