^

PSN Showbiz

Asawa ni Daiana matagal nang nagsasabi na gustong magpakamatay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagkakaroon nga ba ng intrigahan sa mga miyembro ng Instagang ni Christian Bautista sa Sunday All Stars?

Sa sobrang passion nila na mapaganda ang kanilang production number, nagkakainitan na ang iba kapag merong nag-perform nang ’di maganda na ikinatalo ng isang team.           

Gaya nung nakaraang linggo na naiirita raw kay JayR si Aicelle Santos dahil sa ‘di magandang performance ng Prince of R&B nung nakaraang Linggo kaya hindi sila nanalo.

Sabi raw ni Aicelle, lagi na lang nakakalimutan ni JayR ang lyrics ng kanta kaya napapansin na ito ni Regine Velasquez.

PAK: Si Sen. Bong Revilla, Jr. ang guest speaker sa workshop ng Movie Production for Digital Migration na ginanap sa SM The Block, North EDSA, Quezon City kahapon na na-organize ng presidente ng Multimedia Entertainment Arts Foundation, Inc. ni Direk Tony Reyes.

Nagulat siya nang ipinakilala siyang “the next president of the Republic of the Philippines.” Natawa na lang si Sen. Bong sa nasabing introduction dahil baka maging isyu pa raw iyon.

“Baka tangke na ang magbabantay sa bahay niyan,” natatawang pahayag ng actor/politician.

Napapangiti si Sen. Bong kapag tungkol sa political plans nito sa 2016 elections ang itinatanong sa kanya.

“Napakaaga pa. Kung ano ang plano ng Diyos sa atin, iyon ang sundin natin,” sabi nito.

BOOM: Guest si Daiana Menezes sa Mars bago nangyari ang insidenteng pagbaril ni Cong. Benjo Benaldo sa sarili.           

Katatapos lang ng taping ni Daiana sa Mars nang nakatanggap siya ng text at tawag sa nangyari sa asawa.

Pero sa taping ay nakukuwento na raw ni Daiana na madalas ay tinatawagan siya ni Cong. Benjo na gusto na nitong magpakamatay.

Pero as of presstime, wala pa ring pahayag si Daiana kaugnay sa nangyari sa asawa.

Na-rule out na raw ang angulong foul play at personal na isyu na ito ng mag-asawang Benal­do kaya hindi na ito mapapakialaman.

                                            

vuukle comment

AICELLE SANTOS

BENJO BENALDO

BONG REVILLA

CHRISTIAN BAUTISTA

DAIANA

DAIANA MENEZES

DIGITAL MIGRATION

DIREK TONY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with