^

PSN Showbiz

Pati ang cash advance sa gagawing project: Kadatungan ng male celebrity unti-unti nang nalilimas

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Marami ang nakapansin na ang laki nang ipinagbago ng look ngayon ni Julie Anne San Jose.

Mukhang may stylist na siyang nag-aayos ng lahat na isinusuot niya tuwing lumalabas. Malaking bagay din nang kinuha siyang endorser ng Get Laud na bumagay sa  kanya ang mga sinusuot nito.

PAK: Totoo bang ayaw daw ng mga hunk ng Misibis Bay ng TV5 na magsuot ng swimming trunks kundi naka-beach shorts lang sila kaya tuloy conservative silang tingnan?

Si Ritz Azul ang nag-display ng kaseksihan dito dahil sexy naman talaga ang konsepto ng bagong drama series na ito ng Kapatid Network na magsisimula na sa Lunes ng 8:00 p.m.

Bukod sa mga nagseseksihang girls dito sa Misibis Bay, sexy din ang Kapatid hunks na kinabibilangan nina Daniel Matsunaga, Vin Abrenica, Luke Jickain, at Victor Silayan.

Pero hindi sila napasuot ng seksing trunks dahil hindi na raw uso iyon dahil   mahabang beach shorts na ang in ngayon.

Sa apat na nagseseksihang hunks na kasama ni Ritz, inamin ng huli na kay Victor siya pinaka-close dahil nakatrabaho na niya ito noon sa Glamorosa.

BOOM: May narinig kaming kuwentong unti-unti nang nauubos ang kadatungan ng kilalang male celebrity dahil sa mga gastos na wala sa lugar.  May ilang bisyo pa rin siya na hindi pa rin nawawala at iyon ang isa sa ginagastusan niya ng malaki.

Ang latest na nabalitaan namin, nakapag-advance na ito ng malaki sa isang production outfit na hindi pa nga niya nagagawa ang proyekto pero malapit nang maubos ang mga na-advance niyang pera.

Hindi naman masasabing naghihirap, dahil ang dami pa rin naman niyang kabuhayan na pinagkakakitaan pero kung ikumpara nung kainitan ng kanyang career, ang laki nang ipinagkaiba ngayon sa male celebrity.

 

BUKOD

DANIEL MATSUNAGA

GET LAUD

JULIE ANNE SAN JOSE

KAPATID NETWORK

LUKE JICKAIN

MISIBIS BAY

SI RITZ AZUL

VICTOR SILAYAN

VIN ABRENICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with