Kunu-kunong patay na: Kakunatan ni Rustom, nakuha ni BB Gandanghari
Ang physical appearance lang ni BB Gandanghari ang nagbago, hindi ang kanyang ugali na Rustom Padilla at na-prove ko ito sa presscon kahapon ng Beauty and the Sweet, ang comedy show na mapapanood sa Music Museum sa Aug. 2 at 3
’Daaay, nahirapan ako na harbatan si BB ha? May ready answer siya nang subukan ko na harbatan siya. Mas mahirap daw ang maging babae dahil masyadong magastos. Sa makeup pa lang, lugi na siya.
Ang akala ko pa naman, tuluyan nang pinatay ni BB si Rustom.
Hindi pa pala dahil naiwan pa rin kay BB ang kakunatan ni Rustom.
Noong magkasama kami sa isang show sa abroad, hindi ko rin naharbatan si Rustom. Ibinigay lang niya sa akin ang pabango na regalo sa kanya ng isang fan.
Nang samahan ko si Rustom sa opisina ng isang movie production, binayaran siya ng P200,000 na cash. Naglambing ako sa kanya na bigyan ako ng P1,000 pero nabigo ako. Ang brilliant alibi ni Rustom, ayaw niya na masira ang pagkaka-bundle sa datung dahil magbibilang pa siya ng datung pagdating sa bahay!
BB takot sa gagawing pang-ookray ni John
Sina BB at John Lapus ang starring sa Beauty and the Sweet. Si Pops Fernandez ang producer ng show.
Na-insecure si John nang dumating ito sa presscon dahil mas maganda pa raw sa kanya si BB, hitsurang nagbabad siya sa parlor.
May chemistry ang dalawa, base sa okrayan nila kahapon. Worried si BB dahil baka ilaglag siya ni John sa gabi ng kanilang show. Baka biglang i-reveal ni John ang mga mhin na nagkaroon ng relasyon kay Rustom.
Sunshine naka-display sa buong restaurant ni Cesar
Ginanap ang presscon ng Beauty and the Sweet sa Bellisimo, ang Italian restaurant ni Cesar Montano sa Scout Rallos, Quezon City.
Sponsor ng show nina BB at John ang Bellisimo. Gustung-gusto ko ang mga pagkain sa restaurant ni Cesar. Medyo tago ang venue ng restaurant pero kung ililipat ito ni Cesar sa ibang lugar na madaling makita ng mga tao, siguradong dadayuhin ng mga customer ang Bellisimo.
Hiwalay na sina Cesar at Sunshine Cruz pero makikita pa rin sa Bellisimo ang mga litrato ng aktres.
Pops nakigaya kina BB at John, wala ring love life
Birds of the same feather flock together ang drama nina BB, John, at Pops dahil pare-pareho raw sila na loveless.
Ayaw paniwalaan ang pralala ni Pops na wala itong karelasyon dahil sa ganda niya, imposibleng walang mhin na magkagusto sa kanya.
Walang love life si John pero active raw ang kanyang sex life. Sumumpa naman si BB na wala siyang boyfriend sa kasalukuyan pero natuwa siya dahil legal na ang same-sex marriage sa Amerika. Narinig ko ang tsismis na may American dyowa si BB at kung totoo man ito, puwede na silang magpakasal sa America ng kanyang mystery lover.
Pauleen nainggit sa buhok ni LT
Si Lorna Tolentino ang inspiration ni Pauleen Luna kaya nagpaigsi ito ng buhok. Nagpaputol ng buhok si LT para sa kanyang role sa Burgos. Walang ibang dahilan si Pauleen sa pagpapagupit nito as in nainggit lamang siya kay Lorna.
I’m sure, may ibang aktres pa ang magpapaigsi ng buhok para magbago naman ang kanilang hitsura. Mas madali kasi na i-maintain ang short hair.
- Latest