Wansa special nina Julia, Zaijian at Xyriel, magsisimula na
MANILA, Philippines - Mapapanood na ngayong Sabado (Hunyo 29) ang Wansapanataym Presents Petrang Paminta na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonders na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat kasama ang isa sa most promising stars ng kanilang henerasyon na si Julia Barretto. TV remake ng nobela ni Pablo Gomez, ang Wansapanataym Presents Petrang Paminta ay sa ilalim ng direksiyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas. Tampok sa pinakabagong Wansapanataym special ang kuwento ng magkapatid na Petra (Julia) at Aya (Xyriel) na nagtatrabaho sa taniman ng paminta ng kanilang masungit na tiyahin. Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay palihim silang tutulungan ng duwendeng si Pampam (Zaijian) na mayroong espesyal na pagtingin kay Petra.
Paano nga ba magbabago ang buhay ng magkapatid sa tulong ng mahihiwagang paminta?
Makakasama nina Julia, Zaijian, at Xyriel sa Wansapanataym Presents Petrang Paminta sina Diego Loyzaga, Ruby Rubi, Kiray Celis, Atak Aranas, Maricar de Mesa, Epi Quizon, Jayson Gainza, Tess Antonio, Joey Paras, at Alora Sasam.
- Latest