Anak ni Erap itinanggi ni Coleen
Hindi na pala magagawang hintayin ni Coleen Garcia ang pagbabalik ni Gab Valenciano na kasalukuyang nag-aaral sa US. Bago pa ito umalis ay nag-break na sila. Hindi nila kapwa mapapangatawanan ang isang long distance relationship kaya nagpasya sila pareho na maghiwalay na lamang. Sa ngayon nali-link si Coleen kay Jake Ejercito. Ilang ulit na silang nakitang magkasama sa lakaran pero itinanggi ng It’s Showtime co-host na may relasyon sila, magkaibigan lamang daw sila ng ex ni Andi Eigenmann at kahit lumalabas silang kasama ang mga kaibigan nila ay sa kapatid ni Jake na si Jolo Estrada mas close si Coleen. Wala raw ligawan na nagaganap sa kanila ni Jake. Talaga lang daw magkaibigan sila at matagal na ang friendship nila.
Show ni Juday bawal ang hindi marunong umarte
Para yatang itinambak na sa serye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala ang lahat ng magagaling na artista. Nung una ay parang si Tirso Cruz lll lamang ang acting na acting, pero ngayon lahat sila ay ayaw patalo o patalbog sa kanilang mga kasama o ka-eksena.
Si Judy Ann Santos, inilalabas na ang kanyang baong galing sa pag-arte. Kaya naman pala nai-intimidate sa kanya si Sam Milby, na sumasabay na rin sa acting niya. Ang laki nang iniunlad ng acting ni Juday, ang galing-galing na niya.
Bagay sa kanya ang role niya. Sa dayalog lamang kakikitaan ng kahinaan si Sam, pero sa pag-arte ay okay na siya. Ganundin si KC Concepcion. Pareho sila ni Sam na hindi sagad sa buto ang kasamaan.
May mga bagay lamang na nagtutulak sa kanila para maging masama sila.
Ang galing din ni Coney Reyes sa kanyang role bilang submissive wife ni TClll. Kitang-kita mo na nagagalit na siya, pero takot namang pumiyok sa asawa.
Magagaling din sina Susan Africa, Joseph Marco, at Empress. Sabi ko nga, wala silang choice kundi ang makisabay sa akting ng mga kasama nila dahil kung hindi mapag-iiwanan sila sa pansitan.
Aljur gagastusan ang sariling album
Meron at meron namang record producer na susugal sa boses ni Aljur Abrenica at papayag na ipagprodyus siya ng album, pero minarapat pa rin ng Kapuso hunk actor na siya na mismo ang gumastos para sa kanyang unang album na siya ang pumili nang lahat ng kanta. Sa ngayon, meron na siyang naire-record na anim na kanta, isa rito ay inihahandog niya sa kanyang girlfriend na si Kylie Padilla. Siyempre, excited ang young actress dahil talagang inopen na ni Aljur ang kanilang relasyon sa publiko.
Pangako Ko Asahan Mo ang titulo ng kanta na ginawa ni Aljur para kay Kylie. At bagaman at matagal na siyang kumakanta at tumutugtog ng gitara, pinasok niya ang pagiging recording artist para maipakita ang isa pa niyang talent at hangarin na sa pamamagitan ng kanyang musika ay mahipo niya ang kanilang buhay.
BB balik-teatro
Pagkatapos ng Halik ng Tarantula na tinangkilik ng marami, muli na namang sasabak sa isang palabas sa teatro si BB Gandanghari. This time, isang comedy show naman ang susubukan niya kasama si John Sweet Lapus. Pinamagatang The Beauty and the Sweet, mapapanood ito sa Music Museum sa August 2 & 3. Inaasahang muling tatangkilikin ito ng kanyang inang si Eva Carino na 100% nang tanggap ang kanyang pagkatao. Naniniwala si BB na kahit matagalan ay matatanggap din ng mga kapatid niyang lalaki ang kanyang kasarian. Pero ang mother/daughter na relasyon nila ng kanyang ina ay nagbibigay sa kanya ng walang kahulilip na kaligayahan.
- Latest